Paano ko ba sisimulan 'to?
May buwan na pala, simula nang tayo ay mag-hiwalay. Nakaka-tawang isipin na magka-tawagan lang tayo habang nagpa-paalam ka na lalabas kayo ng tropa mo, nakaka-tawang isipin na sasabihan mo ako ng "Ano gusto mo, sayo lang iikot ang mundo ko" syempre end agad ang call.
Pagkatapos ay sasabihan ka ng "I need a break" sa chat.
Alam mo yung pakiramdam na para kang iniwan ka sa ere?
Nakakapagtaka, pinlano mo ba 'to? Isinakto mo talaga na aalis ka, kasama ang tropa mo para sabihan ako ng ganon? at magpakasaya ka sa piling nila. Na walang magagalit kasi single ka? at malaya kang sabihin na "Wala akong gf, single ako" habang nakikipag-kwentuhan o nag-iinoman.
Bakit?
Bakit?
Bakit?
Bakit ganito?
Bakit pakiramdam ko iniwan ako sa isang bangka, hindi alam kung paano ulit makakabalik sa dating pinang-galingan, hindi ko alam kung saan direksyon ako papunta, hindi ko alam kung paano ang gagawin ko dahil ang kasama ko lang ay ang sarili ko.
Paano ako makakarating sa gusto kong puntahan? kung ikaw naman ang aking tahanan.
Bakit mas piniling mong iwan ako sa bangka, diba dapat tayong dalawa ang mag-kasama hanggang makarating tayo sa gusto nating puntahan? Bakit ganoon?
Bakit kapag ako na yung naghahabol, ayaw mong magpahabol? pero kapag ikaw yung naghahabol, iiyak ka lang o isang "Sorry, miss na kita, hindi ko na uulitin", magda-drama at may kasamang lambing na konti, tayo na ulit.
Tama nga siguro ang mga tropa ko, na baka "ako yung mas nagmamahal" kasi kung sasabihin mong ikaw yung mas nagmamahal, bakit ka ganito?
Napasulat ako ngayon kasi hindi ko matanggap yung, kapag ako na yung maghahabol, wala na kumbaga hanggang dito ka nalang. Tapos yung rason na "Masyado pa tayong bata" aba gago ka pala, tangina mo. Sana sinabihan mo nalang ng mas maaga at nakipag-jack n poy nalang ako sayo.
Hindi ko alam kung manghihinayang ba ako sa taon na magkasama tayo? o Bakit ako manghihinayang sayo? o nagsayang lang ako ng panahon sayo.
Oo minahal kita, naging masaya ako sayo, naging kontento ako sa mga bagay na ibinigay mo pero bakit ganito ang laging kong naiisip?
"Sayang ang taon na pinagsamahan natin, nagsayang lang ako ng oras sayo"
Ganito siguro, kapag nagising kana sa katotohanan. Hindi kana naghahabol o pinipilit pa ang sarili mo.
Yung rason mong "Nawawala ako sa sarili ko at kailangan kong buoin muna" ang tanong ko sayo, paano ka nawawala sa sarili? baliw kana ba? at bakit parang ang dating sa akin, ako yung sumira sayo.
Ilang beses mo kong winasak pero nag-stay ako sayo, pinatawad kita ng maraming beses pero iba ang balik mo.
Iniwan mo ko sa ere.
Iniwan mo ko sa ere.
Iniwan mo ko sa ere.
At ngayon iiwan ko na din dito sa ere ang lahat ng pinagsamahan natin, dahil itong klase ng pagibig natin ay isang joke. Punong-puno ng paghihinayang, Patawarin mo ako mahal kung isang araw ay babalik ka, patawad, dahil doon na ako sa taong kaya akong hawakan at hindi pababayaan na magisa sa isang bangka.
Kaya huwag magtaka kung isang araw ay mayroon ng liwanag. Dahil siya mismo ang sumagip sakin upang makabalik ako sa gusto kong puntahan. Wala na, wala na akong lakas upang samahan ka sa gusto mong puntahan.
Paalam.
Vote Comment Follow
#CHARISMATICWATTYPHThank you!!!
BINABASA MO ANG
MAGPATULOY KA
RandomAno man ang nangyayari sayo, magpatuloy ka. Huwag kang susuko, lumaban ka dahil yang sakit na nararamdaman mo ngayon ay pasasalamatan mo balang-araw.