Part 8

8 0 0
                                    

Hello, ngayon nalang ulit ako nag-sulat dito.

Gusto ko lang mag-sulat habang umiiyak.

Wala kasi akong mapagsabihan.

Kaya isusulat ko nalang.

Now Playing: Ikaw lang- Nobita

Paano ko ba sisimulan 'to?

Charot.

Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na minsan parang hindi na ikaw yung "IKAW", lalo na sa jowa mo. Hindi man direktang sinasabi sayo na, "Dapat ganito ka, Dapat ganyan ka, Dito ka lang, Huwag kang lalagpas" pero ramdam mong ganoon.

Masakit lang kasi minsan yung totoong ikaw, onti-onti nang nagiiba.

Dati naman napapakita ko yung totoong "AKO", bakit ngayon kailangan kong bantayan ang mga bawat kilos ko? na dapat hindi ako ganyan, hindi ako ganito, na dapat dito lang ako at hindi dapat ako lumalagpas.

Gets niyo?

Bakit sa tuwing may makakasalamuha akong malapit sayo ay kailangan kong bantayan ang kilos ko?

Bakit sa tuwing may nakakasalamuha ka at ipapakilala mo ako, bakit kailangan kong mag-adjust na dapat sa unang kilala namin ay close agad kami.

Bakit pakiramdam ko kailangan kong maging perpekto sa paningin mo lalo na sa malalapit sayo?

Bakit pakiramdam ko ...

Ayoko nang ituloy, yung sasabihin ko.

Teka iiyak muna ko.

Bakit?

Bakit?

Bakit kailangan kong ibahin ang sarili ko sayo?

Bakit kailangan kong maging perpekto sa paningin mo?

Bakit kailangan kong maramdaman na para akong nanghihingi?

Bakit kailangan kong ulit-ulitin at balik-balikan ang dati?

Bakit kailangan kong umiyak nang paulit-ulit habang wala nakikinig sa akin at tanging sarili ko lang ang nakakarinig?

Bakit kailangan kong magpaliwanag, kapag may nararamdaman akong kakaiba?

Bakit paulit-ulit ako sa mga nangyayari?

Bakit ako bumabalik sa dating?

Bakit?

Bakit?

Tangina, salamat wattpad ikaw lang sakalam.

Mahal na mahal kita.

At mamahalin kita.

Palagi mong tandaan 'yan. 

Vote Comment Follow
#CHARISMATICWATTYPH

Thank you!!!

MAGPATULOY KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon