Part 6

9 0 0
                                    

Gusto ko lang mag-sulat ngayon.

Para naman kahit pa-paano, mawala yung nasa isip ko lalo kana joke.

Nakaka-stress, andaming ginagawa sa sobrang dami napapaisip nalang ako, nagmomove-on ba ako? kailangan ko bang magmove-on? tangina. Ano ba nafi-feel ko ngayon o simula nang maghiwalay tayo.

Ahh oo, kanina pala chineck ko yung mga naka-hide sa gallery ko, ayon buhay pa naman mga alaala natin, iniisa-isa ko na siyang binubura gaya ng pagbura mo sa akin charot.

Habang tinitignan o pinapanood, hindi ko mapigilan ang salitang "Sayang", sayang kasi tinuldokan agad, hindi inilaban, hindi binigyan ng sapat na rason kundi naghintay nalang, hinintay kang umayaw.

Tinuruan kang magsalita ng masasakit na salita, tinuruan ka ulit na bumalik sa dating ikaw. Nasa stage kana ng pagbabago, willing kana ulit tumaya sa taong, alam mong siya na pero hindi pala.

Bakit hindi ko sinunod yung mga red flags?
Bakit hinayaan ko nanaman?
Bakit ang tanga-tanga ko?
Bakit hinayaan kong maging uto-uto ako?

Bakit sa tuwing nagbubulagan ako mas lalo akong lumalaban? pero bakit ikaw hindi ganoon?

Hindi ko na alam, kung ano pa ang nararamdaman ko.

Hindi ko na din alam, kung may nararamdaman pa ako sayo.

Dapat bang may maramdaman pa ako sayo?

Nakakatuwang sabihin pero, tangina namimiss kita.

"Bobo amputa" panigurado, ayan ang sasabihin ng guardian angel ko charot ulit.

Ikaw namimiss mo din ba ako? o hindi?

Anong putahe na kaya ang tinitignan mo at balak mong sungaban? teka pasmado.

Hindi ko alam, bakit nakakapagsalita na ako ng ganito. Ayaw ko nang ganito pero binuo mo kong ganito.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam, kung saan ako nagkulang.

Hindi pa ba sapat yung Bataan para manatili ka? sabi ko nga isuko mo man ang Bataan at hindi, ganoon pa din ang nangyayari at never mo mapapanatili ang taong ayaw manatili.

Kailan kaya ko makakahanap ng taong may isang salita, ano man ang sitwasyon naming dalawa, gaano man ka-komplikado, gibain yung pundasyon namin, ano man ang bagyong dumating yung salita, hindi nagbabago.

Nakakapagod.

Nakakapagod.

Nakakapagod.

Gusto ko ng pahinga.

Taong matatawag kong pahinga ko, kapag ganito ang nararamdaman ko at ipaparamdam sa akin na okay ang nararamdaman ko.
Taong matatawag kong pahinga ko, kapag hindi ko maintindihan ang sarili ko at tutulungan ako ng paonti-onti hanggang sa maintindihan ko ang lahat.
Taong matatawag kong, wala... wala na akong masabi.

Habang tina-type ko 'to, tumutulo yung mga luha ko.

Alam mo yung, ayaw ko nang maniwala sa mga pagibig na yan kasi sa huli, ipaparamdam sayo na andami mong needs. Minsan naiisip ko yung salitang "Nasa maling tao ka lang, kaya ganyan" pero baka nga totoo.

Yung mga salita o plano na binuo natin, totoo pa ba yon?

Magpapaniwala pa ba ako sa ganoon?

Hihintayin ko ba na magkaroon ng himala?

Andaming sipon na 'tong damit ko potangina haha bakit ba ako umiiyak eh, gusto ko lang naman magsulat.

Oo nga pala, may exam pa ko mamaya hanggang dito nalang muna. Miss kita sobra pero buti nalang andito sila Shelby at Skippy, miss kana nila. 🐰🐇

Vote Comment Follow
#CHARISMATICWATTYPH

Thank you!!!

MAGPATULOY KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon