Baka wala nang pag-asa.
Pag-asang bumalik sa dati.
Nagkaroon na siya ng mantsa pero ang tanong, saang parte ako magsisimula? paano ko siya tatanggalin? anu-ano ang gagamitin kong panlinis upang matanggal ko yung mantsa na naiwan ko? ang dami kong tanong.
Pero isa lang ang gusto kong itanong sa sarili ko, siya ba ganoon din ba ang iniisip? parehas ba kayo ng gustong mangyari? gusto niya pa ba? o ikaw lang 'tong may gusto.
Teka sumisikip ang dibdib ko.
Sabagay, may punto naman yung tanong sa sarili ko.
Bakit kailangan ko pang isiksik yung sarili ko sa taong wala naman magandang plano para sa hinaharap.
Ngayon pa nga lang, wala na. Paano pa kaya yung hinaharap.
Baka hindi tayo para sa isa't-isa diba?
Kasi kapag gusto niyo laging may dahilan para manatili.
Paano naman kung yung isa lang, ang may dahilan.
Dahilan para manatili.
Unfair non.
Kaya mas mabuting, hayaan nalang natin.
Mahirap, kapag ikaw lang yung may malinaw na plano.
Pang-hawakan mo nalang yung salitang, "Balang-araw makakatagpo ka ng taong may malinaw na plano, hindi yung iiwan ka, dahil lang sa sitwasyon niyo at higit sa lahat hahanap at hahanap ng rason upang kayong dalawa ay manatili sa isa't-isa."
11:11 pm
Handa na ba akong palayain ka?Tangina!
Oo?
Hindi?
Pwede?
Palayain nalang.
Hindi natin kailangan isik-isik ang sarili natin sa taong umayaw na sa atin at hindi tayo binigyan ng maayos na rason.
Yung paniniwala kong "I-try kung sa tingin mong mayroon pa or else habang buhay mong pagsisisihan." hindi sa lahat ay kailangan mong i-apply 'to dahil hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon at ma-appreciate ka.
Pero kung willing ka naman, edi go paka-tanga ka basta, siguraduhin mong yung taong 'yon ay worth it sa lahat ng sakit.
Pero kapag binibigyan ka naman ng rason, huwag mo nang habolin.
Huwag habolin, ang taong ayaw magpahabol.
Kapag mahal ka, hindi ka hahayaan na maghabol.
Kung kasalanan mo, edi ikaw maghabol pero kung hindi, huwag kang maghabol dahil hindi ka asong ulol.
Vote Comment Follow
#CHARISMATICWATTYPHThank you!!!
BINABASA MO ANG
MAGPATULOY KA
RandomAno man ang nangyayari sayo, magpatuloy ka. Huwag kang susuko, lumaban ka dahil yang sakit na nararamdaman mo ngayon ay pasasalamatan mo balang-araw.