Part 3

13 3 0
                                    

"Kaya ko pa ba?" ang paulit-ulit na tanung ko sa sarili ko ngayon habang umiiyak. Parang ayoko nang tumuloy.

Ayoko nang ituloy mga gusto ko o pangarap ko pero kapag naiisip ko yung mga taong pinagkukuhanan ko ng lakas ng loob.

Nakakarinig ako ng salitang "Konti pa, lavarn lang."

Ako lang ba yung klase ng tao na kapag sinabihan ng masakit na salita ay hindi agad nakakalimutan? ang sakit diba? pilit mong kinakalimutan pero kapag naalala mo nanaman para kang pinapatay.

Ayoko na... Ayoko na... Ayoko na... napapagod na ako.

Pakiramdam mo mag-isa ka lang kahit na nandyan yung taong nagmamahal sayo, minsan pa imbis na intindihan ka o pakinggan, makakarinig ka pa ng masakit na salita.

Ang tigas kasi ng ulo ko mas matigas pa, sa matigas.

Naiintindihan ko naman kung isang araw, mawala sakin yung nag-mamahal sakin. Kahit ako napapagod na din ako sa sarili ko, paano pa kaya yung taong yon.

Kung may hihilingin man ako, mawala sana ang memorya ko para makalimutan ko yung mga masasakit na napag-daanan ko o masasakit na salita na natanggap ko, para sa ganon hindi na ko dinadalaw tuwing pag-sikat ng araw at pag-lubog ng araw.

Ano kayang makiramdam, kapag nawala ang memorya mo? sarap siguro sa pakiramdam, hindi kana iiyak tuwing mag-isa ka at hindi kana titingin sa salamin habang umiiyak at tinitignan mo kung gaano ka ka-panget na umiyak.

Sasabihin mo nalang sa kanila "Sino ka? Kilala ba kita?" at kung anu-ano pa.

Ayoko nang nararamdaman ko, ngayon.

Sobra akong nahihirapan.

Hayaan mo lang ako na ganito.

Hayaan mong mawala 'tong nararamdaman ko.

Hayaan mong gawin ko ang mga gusto ko.

Hayaan mong mapagaling ko ang sarili ko, abutin man ng buwan o taon magiging okay din ako.

Hayaan mo lang ako pero sa oras na kailangan kita, sana nandyan ka pa.

Huwag kang susuko? kahit sukong-suko na ako.

Hindi ko kaya, hindi ko kayang wala ka.

Kahit gaano ka-gulo ang mundo ko.

Tulungan mo kong ayusin 'to basta okay na ko, wala na 'tong nararamdam kong sobrang bigat.

Sa mga oras na nalulungkot ako, kwentuhan mo lang ako kung paano kita napasaya o kahit ano basta masaya.
Pwede din naman na yakapin mo 'ko? para maramdaman ko ang presensya mo.

Nakakapagod din palang umiyak.

Tamang higop ka lang ng mainit na Swiss Miss sabay sabing "Shuta, napakainit" at tatawanan ang ka-tangahan mo dahil napaso ang dila mo.

Dahan-dahan mong hinihipan hanggang sa lumamig 'to.

Kapag lumamig na pwede mo na siyang inumin ng hindi napapaso ang dila mo.

Ganyan din ang buhay ko ngayon, mainit-init pa pero kapag nag-tagal lalamig din.

Sige na matutulog na ko, pagod na kong umiyak.

Gusto ko lang magpa-salamat sayo, kaya lavarn pa.

Hanggang sa muli.

Vote Comment Follow
#CHARISMATICWATTYPH

Thank you!!!

MAGPATULOY KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon