Part 2

42 16 2
                                    

Kapag nasasaktan tayo minsan gusto nalang natin' maging manhid para hindi na natin maramdaman yung sakit tapos iiyak tayo sa isang tabi tapos sarili mo lang magpapatahan sayo.

Alam ko naman na kapag nagmahal ka hindi mo maiiwasang hindi masaktan ang mahal mo pero kapag mahal mo hindi mo hahayaan na maramdaman niya yung gano'ng bagay.

Walang perfect relationship, alam ko yan pero nasa sa inyo yan. Kung gusto niyong maging perfect ang relationship niyo, dapat parehas kayo ng goal sa buhay o sa ibang bagay kasi kung ikaw lang mag-isa mahihirapan ka.

Alam mo yung masakit? yung magtatampo ka tapos hindi ka susuyuin. Hinihintay mo yung lambing niya pero wala, nakakalungkut ba? tapos kapag nasanay ka hindi kana magugulat kasi sinanay ka nung tao na hindi ka suyuin kapag nagtatampo ka.

Kapag naging manhid ka pwedeng mabawasan ang pagmamahal mo sa isang tao o pwedeng hindi mabawasan ang pagmamahal mo sa isang tao kasi gusto mo lang maging manhid dahil ayaw mo nang maramdaman yung sakit.

Nakakapagod...sobrang nakakapagod. Alam mo yung napapagod ka? hindi dahil sa partner mo, kundi napapagod ka sa sarili mo lalo na sa mga bagay na nangyayari sayo.

Minsan yung problema o nararamdaman natin mas maganda nalang na sarilihin nalang natin, hindi sa ayaw mong ipaalam sa mahal mo kundi ayaw mo siyang isali sa bigat na nararamdaman mo.

May pagkakataon pa na gagamitin nila ang nakaraan mo laban sayo. Dahil sa mga ipinapakita mo doon sila bumabase, na kaya ka ganyan kasi gan'to ang ginawa sayo at doon ko na sisimulan ang manahimik at maglihim.

Walang taong gustong husgahan base sa nakaraan, dahil lahat tayo ay pwedeng magbago. Hindi habang buhay kung ano ka sa nakaraan ay ganon ka pa rin hanggang ngayon.

Sino tayo para humusga? wala tayong alam sa pinagdaanan niya kung bakit ganyan siya magsa-salita o magki-kilos. Wala...wala tayong alam, mas mabuti kung onti-onti natin siyang kilalanin hanggang sa makilala na natin ang buong pagkatao niya.

Sabi nila, "Kung ayaw mong masaktan, 'wag kang magmahal" pero pwede bang magmahal nalang tayo tapos 'wag nating saktan yung taong walang ginawa kundi mahalin lang tayo.

Mahirap yatang gawin yon? kasi hindi mo maiiwasan na masaktan yung taong mahal mo. Sabihan ka palang na masakit na salita parang binugbog kana lalo na pag-sinigawan ka.

Hindi ako madaling makalimot pero hangga't kaya ko pilit kong kinakalimutan kahit mahirap. Yung iba madali para sa kanila ang makalimot pero sa kagaya ko matagal bago ko makalimutan yung bagay na yon.

Ayon din siguro ang problema sakin, hindi ako mabilis makalimot kaya ako nasasaktan. Minsan ako din gumagawa ng ikakasakit ko o baka naman ako yung toxic? baka nga ako, hindi ko lang alam.

Kaya napapagod na ko sa sarili ko, minsan hindi ko na din maintindihan ang sarili ko dahil siguro sa patuloy na pagintindi ko sa ibang tao habang ako lihim na nakikipaglaban o sadyang mahirap lang intindihin o mahalin ang kagaya ko.

Alam mo kung anong hiling ko sa taong mahal ko? maging masaya siya habang buhay at 'wag niyang maranasan yung iiyak siya sa isang tabi tapos wala siyang mapag-sabihan.

Ayaw na ayaw kong maramdaman niya yan, dahil mahal na mahal ko 'yan. Kahit ako nalang 'wag na siya, dahil baka hindi niya kayanin.

Masarap sa pakiramdam yung kapag iiyak ka may masasabihan ka tapos yayakapin ka ng sobrang higpit sabay bulong ng "Tahan na, nandito lang ako sa tabi mo, iiyak mo lang yan. Ano man ang mangyari, hinding-hindi kita iiwan" tapos parehas kayong iiyak dahil ramdam niyo kung gaano kayo ka-swerte sa isa't-isa at alam niyong may matatakbuhan kayo.

Kaya kung umiiyak ka ngayon, iiyak mo lang tapos lapit ka kay Lord at ipikit mo lang ang mga mata mo tas sabihin mong yakapin ka.

Vote Comment Follow
#CHARISMATICWATTYPH

Thank you!!!

MAGPATULOY KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon