Prologue✍︎

70 7 0
                                    

Bridgettte's POV

Nandito ako ngayon sa bahay at nakaupo sa sofa habang hinihintay siya.

At ilang sandali lang ay narinig ko ng nagbukas ang pintuan kaya napatingin kaagad ako dito at tumayo agad nung makita kong siya iyon.

"Kumain kana ba?," nakangiting tanong ko sa kanya but instead of answering, he give me a glare.

"A-ah, mukhang t-tapos na," nauutal na saad ko at tumungo.

He's Hunter, ang asawa ko pero tangina, hindi ko alam kung asawa ba talaga niya ako o maid.

Pero kahit palagi niya akong sinasamaan ng tingin ay mahal ko pa rin siya, haha.

"Move out of my way," malamig na saad niya at tinabig ako kaya napayuko ako lalo at umatras para makadaan siya.

Nung dumaan siya ay dumiretso kaagad siya sa kwarto niya sa second floor kaya napabuntong hininga muna ako bago siya sundan.

Nung makarating ako sa tapat ng kwarto niya ay dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ko naman na mahimbing siyang natutulog kahit kakaakyat niya pa lamang.

Pero siguro, pagod lang siya.

Lumapit ako at umupo sa gilid niya. Tinitigan ko siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa mata niya.

"I love you kahit siya ang iniisip mo, I love you kahit wala kang pake, I love you kahit siya pa rin ang mahal mo," mahinang bulong ko kahit alam kong hindi niya iyon naririnig.

Lumabas na ako sa kwarto niya at nagtungo sa katapat na kwarto, ang kwarto ko.

Mag-asawa na kami pero hindi kami magkasama sa isang kwarto.

Eh, anong magagawa ko?, Kung siya na ang nakapagdesisyon, diba?

Pero binalewala ko na lang ang lahat ng tanong ko at humiga na sa aking kama at hinayaan ko lang ang sarili ko na magpalamon sa dilim.

SAFYREE

Ship or Shit? (Broken Series #1)Where stories live. Discover now