Bakla:
Huy, tagal magreply, by.
Ano na nangyayari diyan?
Tomboy:
Nagchat si Daryl.
Parang tanga.
Halatang lasing na.
Bakla:
Oh, anong sabi?
Tomboy:
Kapag daw natuloy siya magtrabaho sa Korea, siya na raw bahala sa pag-aaral ko.
Binebenta na yata ako nila mama, e.
Tapos sabi ba naman, tingnan ko raw at bukas nasa kanila na lahat ng gamit ko.
Doon na ako titira.
Bakla:
Ayan na nga ba sinasabi ko, e.
Hinihingi ka na kila Tita.
Ang sama.
😭
Hindi pwede.
'Wag na kamo, ipaubaya ka na niya sa akin.
Pasalubungan ka na lang niya Koreano pag-uwi niya.
By, ako na lang magpapa-aral sa'yo.
Kaya ko.
Pakasalan na rin kita.
Tomboy:
Isa ka pang siraulo.
Ang lakas din ng tama mo.
Halatang baliw.
Na baliw sa akin. HAHAHAHA.
By, dito siya pinatulog nila papa😌
Sa sala, sa sofa.
Bakla:
Aba!
Doon lang nakatira 'yan sa kabilang lote, ah.
Bakit hindi pa umuwi?
Aooswkkqow.
'Wag ka na lalabas ng kuwarto, by.
Okay?
Tomboy:
Sabi ni papa 'wag na raw umuwi at lasing na, e.
Don't worry, dito lang naman ako sa kuwarto ko.
Hindi na ako lalabas.
Bakla:
Mabuti naman.
Bait naman ni Tito.
Kapag pumunta ako diyan, aayain ko rin siyang inuman.
Tapos magkukunwari akong lasing.
Hindi kasi ako mabilis malasing, malakas ako, e.
Para hindi niya na rin ako pauwiin.
Tapos request ko, "sa tabi po ako ni Myst, Tito."
Tomboy:
Oo, para mapalayas tayong dalawa.
Siraulo ka.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Memory|epistolary✓
Short StoryMyst and Razhiel were once schoolmates. She liked him but her feelings were not reciprocated for he doesn't really commit to relationships. Another reason, Raz thinks of Myst as someone who wouldn't like him. He never tried to pursue her even though...