86

299 17 6
                                    

April 26, 2021, 11:26 pm

Boyfriend:

May sasabihin ako.

Girlfriend:

Ano po 'yon?

Boyfriend:

Napapagod na ako.

Girlfriend:

Sa akin?

Boyfriend:

Sa relasyon natin.

'Di ba sabi ko naman sa 'yo, kung anong nararamdaman ko, sasabihin ko agad. Sasabihin ko kapag ayaw ko na.

Eto ako ngayon, nilalakasan ko loob ko kasi ayaw kitang masaktan pero napapagod na kasi talaga ako, e.

Sorry.

Girlfriend:

Ramdam ko nga.

Boyfriend:

'Wag mo sanang iisipin na may iba ako kasi wala.

Pero nasa iyo pa rin 'yon kung iisipin mo kasi ang hirap.

Girlfriend:

Pero wala naman akong ginawa, 'di ba? Wala akong ginawang mali.

Raz naman. 'Wag ganito. 'Di naman ganito 'yong mga sinabi mo sa 'kin dati.

Sabi mo hindi ka mapapagod, kung mapapagod man magpapahinga.

Boyfriend:

Wala kang ginawang mali.

Oo, alam ko ako 'yong mahina sa atin kasi ako 'yong sumuko. Hindi ko kinaya.

Girlfriend:

Kailan pa?

Boyfriend:

Nitong mga nakaraang linggo. Napapansin ko na rin naman sa sarili ko. Kahit nga ako kinekwestiyon ko 'yong nararamdaman ko kasi bakit ganito?

Pero sinasabi ko lang 'yong totoo kong nararamdaman.

Girlfriend:

Pero mahal mo pa ako?

Boyfriend:

Oo, mahal pa rin kita pero 'yong pagod, 'di nawawala sa 'kin 'yon.

Girlfriend:

Lahat naman napapagod, Raz.

Ilang beses na rin akong napagod pero pinili kong magpahinga nang hindi ka iniiwan kasi mahal kita.

Paulit-ulit kong tinatanong 'yong sarili ko kung deserve ko pa ba 'yong mga ginagawa mo kasi ang sakit-sakit na. Ang sakit ng paraan mo magmahal.

It was happy yet painful at the same time.

'Yong worth ko, nakalimutan ko nang dahil sa 'yo.

Boyfriend:

Sorry, napagod ako.

Girlfriend:

My Bittersweet Memory|epistolary✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon