Boyfriend:
Mahal?
Busy ka?
Girlfriend:
Hindi naman. Bakit?
Boyfriend:
Wala lang.
I miss you na :<
Uwi ka na rito.
Girlfriend:
Aish.
I miss you, too!
Pero bawal pa. Alam mo naman sila Mama, strict 'yon.
Boyfriend:
Okay lang, naiintindihan ko naman.
Sobrang miss lang talaga kita.
Pero may sasabihin ako.
Girlfriend:
Ano po?
Boyfriend:
Si Jez, inaya ako maglaro ng CODM. Sabi ko hindi naman ako marunong no'n, pag-aralan ko raw. Tuturuan niya naman daw ako.
Girlfriend:
Oh, tapos?
Boyfriend:
Nag-download aki. Ni-try ko lang kanina. Medyo nalilito pa pero maganda naman.
Girlfriend:
Hmm. Okay 'yan para may libangan ka rin kahit papaano.
Kaso...
Boyfriend:
Kaso ano?
Girlfriend:
Baka naman mawalan ka na ng oras sa akin niyan.
Boyfriend:
Hindi naman, love.
Laro lang 'to.
Mas mahirap kapag nawala ka.
Alam ko naman limits ko. 'Di ako mawawalan ng oras sa 'yo, mas priority pa rin kita.
Girlfriend:
'Yon nga, pero paano kung may babae d'yan na magaling maglaro. Baka naman ano.
Boyfriend:
Baka ipagpalit kita?
Mas malabo 'yan.
Aanuhin ko 'yong magaling maglaro?
May girlfriend akong mabait, maganda, matalino. Oh? Tanga ko naman kung ipagpapalit pa kita. 'Wag kang mag-alalal, love. Hindi mangyayari 'yon.
Girlfriend:
Totoo?
Boyfriend:
Opo.
Mamatayan na lang ako ng kuko sa paa, kahit lahat pa, kung ipagpapalit kita.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Memory|epistolary✓
Short StoryMyst and Razhiel were once schoolmates. She liked him but her feelings were not reciprocated for he doesn't really commit to relationships. Another reason, Raz thinks of Myst as someone who wouldn't like him. He never tried to pursue her even though...