67

176 14 2
                                    

June 22, 2020, 7:28 am

Girlfriend:

Good morning, love.

Active 3 hours ago, ha. Anong oras ka na natulog.

Simula nang maglaro ka ng CODM, inaabot ka na ng umaga. 'Di ka na rin yata nakakapasok sa online classes.

Kumain ka paggising mo. Love you!

1:32 pm

Tulog pa rin?

'Pag hindi ka online, nagsusulat na lang ako. Bumalik na lang ako sa dati kong hobby kasi wala rin naman akong magawa. Gigising ka, kakausapin ako saglit tapos maglalaro ka na naman. 'Yong activities mo, tinatambak mo. Pwede mo naman unahin muna 'yon bago CODM kasi 'di naman mawawala 'yang laro na 'yan.

Kahapon napagalitan ka kamo ni Tita kasi alas sais na ng gabi, tulog ka pa rin. Ayaw mo pang maniwala na gabi na noong ginising ka.

'Di ka nahihiya no'n?

Wala ka nang tinutulong sa bahay n'yo.

Tuloy mo lang 'yan.

4:46 pm

Boyfriend:

Nagagalit ka?

Seen

Bakit mo ako sini-seen?

Sorry na.

Si Jez kasi. Inaabot kami hanggang umaga dahil sa kaniya.

Sige na, babawasan ko na paglalaro ko. Uunahin ko na rim activities ko, 'wag ka lang magalit. Naiintindihan ko naman kung bakit.

Sorry na po.

I love you!

My Bittersweet Memory|epistolary✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon