Prologue

271 13 2
                                    

"Did everyone already pass their answer sheets?" I asked while arranging the papers on my table.

"Yes, Sir!" They answered in unison. Nang matapos sa ginagawa ay hinarap ko sila. Ang iba ay nakikipag-usap habang ang iba ay inaabangan ang susunod kong sasabihin.

"You still have a remaining time so you better study for your next subject." I said and gave them a smile.

"Ang dali lang naman kasi Sir ng exam mo kaya natapos agad kami." biro ng isa sa kanila. Nagtawanan ang iba sa sinabi nito.

"Kapag ikaw bumagsak, Borja." asar naman ng isa pang estudyante ko, na sa pagkakatanda ko ay Dungo ang family name, sa lalaking nagsalita kanina. Napailing na lang ako dahil sa mga kalokohan nila.

"Sir, magkuwento ka na lang po sa 'min. May 15 minutes pa naman po bago matapos ang period niyo." suhestiyon ng isa pa sa kanila na nakaupo sa may bandang likod. Sumang-ayon ang karamihan sa sinabi nito.

"Oo nga, Sir. Kwentuhan mo na lang kami."

"Ano namang iku-kuwento ko?" tanong ko. Wala rin naman kasi akong maisip na kuwentong sasabihin ko sa kanila. Hindi naman interesting ang buhay ko.

"Tungkol na lang po sa lovelife niyo, Sir." Lovelife?

"May girlfriend po ba kayo?" Halos lahat ng mga estudyante sa loob ng silid ay nakatutok na sa 'kin ngayon.

"Inlove po ba kayo, Sir?" another one asked.

Nagsimulang mag-ingay ang silid ngunit mas nangibabaw sa pandinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko nang marinig ang mga katanungan nila. Mistulang may isang baul na naglalaman ng samo't saring alaala ang nagbukas at nagsilitawan ang mga ito sa isipan ko.

Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ko nang maalala siya. Siya na nagmamay-ari ng puso ko at habangbuhay na isisigaw nito.

"Yes, I am and will always be inlove with her." buong-puso kong sabi habang nakatitig sa isang direksyon kung saan lumitaw ang nakangiting imahe niya.

Imahe ng nag-iisang babae na nagdudulot ng kakaiba ngunit pamilyar na pakiramdam sa puso ko. It's her, Kalipay.



—•—


Hi everyone! This is my new story. This will just be a 5-chapter story. Sana magustuhan niyo! Chapter 1 will be published later at 4 PM.

Stay safeee!!

~KahelAtRosas

Kalipay || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon