Kalipay 3

74 7 2
                                    

2 weeks passed by like a bliss. Sa dalawang linggong lumipas, walang nangyaring bago sa buhay ni Kaylan. He's still trying to sort things between him and his feelings for Kalipay. In short, he's still confused.

May naiisip na siyang ideya kung ano ang nararamdaman niyang ito. Hindi naman siya ganoon kaignorante para hindi magkaroon ng kahit kaunting ideya tungkol sa kung anong nararamdaman niya. But he can't still convince his self na iyon nga talaga iyon. It has just been 2 weeks since he met Kalipay and it's impossible for him to fall for her in just a short span of time.

Yes, he think he likes her. Pero hindi pa siya ganoon ka kumbinsido.

"Umayos ka, Kaylan." pagkausap ni Kaylan sa repleksiyon niya sa salamin.

Pasado alas-sais pa lang ng umaga pero gising na siya. Kanina pa siya natapos sa pagligo pero hanggang ngayon ay nasa loob pa rin siya ng banyo at nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. Tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya kaya ramdam niya ang lamig na temperatura pero hindi niya ito inalintana.

Mayamaya ay napagdesisyunan na niyang lumabas at magbihis matapos ang ilang minutong pakikipagtitigan sa sarili sa loob ng banyo. He wore a simple white printed shirt and knee-length shorts. Typical pambahay outfit.

Lumabas na siya ng kwarto at nilakad ang daan papunta sa kusina. Masyado pang maaga at wala siyang maisip na pwedeng gawin kaya napagpasyahan niyang pumunta na lang muna sa kusina para maghanap ng makakain.

Usually, nagigising siya ng pasado alas-otso ng umaga pero iba ngayon. Mas maaga. Ang totoo ay halos hindi siya makatulog kagabi. Magmula nang makaramdam siya ng kakaiba para kay Kalipay, hindi na siya makatulog ng maayos sa halos bawat gabing dumaan. Masyado siyang binabagabag nito.

"Gising ka na pala, iho. Ang aga mo yatang nagising ngayon." saad ni Manang Lydia na bahagyang nagulat nang makita si Kaylan na pababa ng hagdan. May dala-dala itong basket ng mga labahan.

"Gutom ka na ba? Sandali at ipagluluto kita." dagdag pa nito bago pa man makapagsalita si Kaylan. Akmang maglalakad na siya patungo sa kusina nang pigilan siya ni Kaylan.

"Wag na po. Ako na lang po ang magluluto." sabi ni Kaylan at nginitian ito.

"O siya sige. Mayamaya rin naman ay magigising na ang kapatid mo. Maiwan na kita rito." paalam ni Manang at tuluyan nang nagpunta sa likuran ng bahay para maglaba.

Kaagad na tiningnan ni Kaylan ang laman ng refrigerator kung ano ang pwedeng maluto. Una niyang napansin ang ham at bacon kaya iyon na ang kinuha niya. He slid the pan onto the stove and waited for it to heat up. While waiting, he decided to make pancakes, too. Kinuha na niya ang mga ingredients para sa pancakes at itinabi na muna ito sa mesa at tiyaka inasikaso ang bacon at ham.

When everything is all set, Chantal entered the kitchen. Nakapang-alis ito ng damit na siyang ikinapagtaka ni Kaylan. Sa pagkakaalam niya ay wala itong pasok ngayon sa trabaho.

"Wow naman, ang aga mong nagising ha? Inspired?" Chantal teased.

"May lakad ka ba?" tanong pabalik ni Kaylan at hindi pinansin ang pang-aasar ng kapatid. Alam naman kasi nito kung sino ang tinutukoy ni Chantal na inspiration niya.

Natawa na lang si Chantal dahil sa pag-iiba ng topic ni Kaylan. He's still indenial, she thought.

"Yeah, I'll visit Miekha. You remember her? You already met her before." Kaylan just nod even though he can't recall anyone named Miekha that he has met before.

"And sasama ka sa 'kin." dagdag ni Chantal na nagpahinto kay Kaylan sa pagkain. Nagtatakang tiningnan ni Kaylan si Chantal, tila sinisigurado kung tama ba ang narinig niya.

Kalipay || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon