Kalipay 4

67 7 2
                                    

3rd anniversary na bukas ng VI and last chapter na rin nito bukas plus the epilogue. Ready na ba kayo sa ending? Are you ready for the truth? If ready na kayo, then continue reading. ;)

~KahelAtRosas


—•—


N

akangiting sinalubong ni Kaylan ang panibagong araw. Magaan ang pakiramdam niya. Magmula nang aminin niya sa sarili ang totoong nararamdaman niya kay Kalipay, nakaramdam siya ng kapayapaan. Hindi lang sa utak kung hindi maging sa puso.

It's already past 10 in the morning when he got up from his bed. Pasado 9 AM pa siya gising pero ngayon lang niya napagpasiyahang bumangon. He opened the curtains that covers the glass window in his room. Unti-unting sinakop ng liwanag ang kadiliman sa kanyang kwarto na mas lalong nagpagaan sa paligid.

Nangingibabaw ang musikang I'll Be There For You sa kanyang silid. Ito ang awiting kinanta ni Kalipay kahapon. Pagkagising kanina, naisipan niyang isearch ang kantang iyon. He connected his phone to the speaker which was a gift from his mother. Ito pa lang ang unang beses na nagamit niya ang speaker na iyon. Hindi naman kasi siya music lover.

He went to the bathroom and did his morning rituals. Kahit na ilang beses ng nadudulas sa kanyang kamay ang sabon, hindi ito naging dahilan para mainis siya. He is too happy at the moment to entertain any negativities around him.

Matapos maligo at magbihis, pinatay na niya ang speaker at bumaba. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mukha habang bumaba sa hagdan. Pakiramdam niya ay nag-aawitan lahat ng ibon sa paligid dahil sa sayang nararamdaman niya.

He was a bit surprised when he saw Chantal sitting in the dining room. Sa pagkakaalam nito ay may trabaho siya ngayong araw.

"Good morning!" Chantal greeted him. He greeted her in return.

"Wala kang trabaho ngayong araw?" tanong niya rito. Umiling si Chantal.

"Wala. I am waving this day off from work. Pero may bibisitahin akong kaibigan ko mamaya so I won't be here the whole day." sagot ni Chantal. Napatango lang si Kaylan at nagsimula ng kumain.

"By the way, sa 'yo ba yung gitara na nasa room mo?" Napahinto si Kaylan sa pagkain at muntikan ng mabulunan kaya agad nitong inabot ang baso at ininom ang laman nitong tubig.

"G-gitara?"

"Kinatok kasi kita kanina sa kwarto mo pero walang sumasagot so binuksan ko na lang and nakita ko yung gitara. Nasa banyo ka noong time na yun kaya hindi mo ko narinig. And also, dumagdag pa yung pa-music mo. Hindi ko alam na mahilig ka na pala sa music ngayon." paliwanag ni Chantal. Tila nahiya naman si Kaylan nang marinig ang mga sinabi nito.

"So, sa 'yo nga yung gitara?" muling tanong ni Chantal.

"Hindi, kay Kalipay iyon." sagot ni Kaylan at itinuon ang paningin sa plato ng hotdogs na inaabot niya. Ayaw nitong salubungin ang nang-aasar na tingin ng kapatid. Paniguradong hindi na naman siya titigilan nitong asarin.

"Bigay sa 'yo?" Nagbago ang tono ng boses ni Chantal. Tila naging excited bigla sa maririnig na sagot.

"Hindi, naiwan niya kasi kahapon kaya dinala ko na lang muna. Ibabalik ko rin 'yan mamaya." Bahagyang iniyuko ni Kaylan ang kanyang ulo matapos kumuha ng pagkain. Ayaw pa rin niyang tingnan ang kausap.

"Akala ko naman regalo niya sa 'yo kasi nga magkaibigan kayo." saad ni Chantal na talagang pinagdiinan ang salitang magkaibigan.

Kaylan remained silent. He already expected this to happen when he told Chantal about Kalipay. Alam niyang kaliwa't kanang pang-aasar ang aabutin niya rito. But he did not felt any regret. Oo, naaasar siya pero wala siyang nararamdamang pagkapikon. At imposibleng mapikon siya. Ito lang ang pang-aasar na gusto niya. It's because he is being teased to Kalipay.

Kalipay || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon