Kalipay 5

76 5 3
                                    

This will be the last chapter of Kalipay. Epilogue will be publish later at 3 PM. Enjoy!

~KahelAtRosas


—•—



"Wala na siya. Matagal ng patay si Kalipay."

Iyon ang nga salitang naging dahilan para huminto ang mundo ni Kaylan sa pag-inog. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Ramdam niyang unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib.

He is silently praying that what Davi said is just a joke. That she was just pranking them. Pero sa mukha nito, hindi ito kakikitaan ng kahit anong senyales ng pagbibiro.

"She passed away 10 years ago because of Congenital Heart Disease. She was born with that disease. But despite that, she grew up as a cheerful kid." Davi said with a small smile on her face. Namumuo na ang mga luha nito habang binabalikan ang mga alaala ni Kalipay.

On the otherhand, Chantal worriedly looked at her brother. Alam niyang sobra na itong nasasaktan ngayon. Kahit siya ay nagulat at nasasaktan dahil sa nalaman kaya ganoon na lang ang nararamdaman niyang pag-aalala sa kapatid dahil alam niyang mas triple ang sakit na nararamdaman nito ngayon. Pero wala naman siyang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

"Our parents wanted her to stay at home but she refused with that idea. Hindi raw niya alam kung kailan siya mawawala sa mundo so might as well sulitin na niya ang mga oras na mayroon siya. Walang nagawa ang mga magulang namin kung hindi payagan siya sa mga gusto niya. She wanted to live with a normal life despite the disease that she have."

"Ang park ang lugar na lagi niyang pinupuntahan dati. Doon, ramdam niyang hindi siya kakaiba. That she is just like the other kids around her. Pero nagsimulang iwasan siya ng mga bata nang malaman nila ang totoong kalagayan niya. They avoided her. Kahit na nakikita namin siyang nakangiti, alam naming nalungkot siya." Tahimik na nakikinig sina Kaylan sa bawat salitang binibitawan ni Davi. Hindi pa rin tuluyang napoproseso ng kanyang utak ang sinabi nito kanina.

"She always tells us what she did in the park back then. Halos lahat ng kuwento niya, pare-parehas lang. But one time, may nagbago sa istorya niya. She told us about a friend that she met that day. A friend that made her smile bright again. And that friend was you, Kaylan." Davi smiled at Kaylan who is still shocked.

"The moment she met you, she realized how beautiful it is to live. Nagkaroon siya ng inspirasyon para mabuhay. Dahil sa 'yo, pumayag siyang mag-undergo ng surgery na matagal ng gustong gawin ng magulang namin pero ayaw niya. Pero kung kailan naman pumayag na siya, tiyaka naman naging hindi na pwede. It was too late, the doctor said. Malala na raw ang sakit ni Kalipay and her life would be put at risk if magpapatuloy kami sa gusto namin."

"But Kalipay didn't lose her hope. We saw how hopeful she was. Nakikita namin kung paano siya kumapit sa pag-asang mabubuhay pa siya kahit alam naman namin na kaunti na lang ang posibilidad na mangyari iyon." Pinunasan ni Davi ang mga luhang tuloy-tuloy ang pagbagsak mula sa kanyang mga mata.

"When you left to America, Kalipay tried to live and fight for her life to fulfill her promise to you that she will wait for you to come back. Kahit na nahihirapan na siya, ramdam naming lumalaban siya. Her condition got worse. Hindi na siya makalakad sa sobrang panghihina. When she reached the age of 10, hindi na kinaya ng puso niya. She passed away, peacefully." Davi held a deep breath before turning her gaze to Kaylan.

"And I heard that someone saw her in the park 9 years ago. Iyon ang dahilan kung bakit wala ng taong nagpupunta ngayon sa park dahil doon. I went to the park to confirm it but I did not saw her. Pero alam kung nandoon siya. Hindi ko man siya nakita pero ramdam kong naroon siya. I thought she still has unfinished business here at sa tingin ko, ikaw yun, Kaylan. She waited for you."

Kalipay || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon