Kalipay 1

276 14 1
                                    

"Gusto mo ba magbike?" tanong ng batang lalaki sa katabi nitong batang babae nang mapansin niyang nakatanaw ito sa mga batang naglalaro ng bike hindi kalayuan sa kinauupuan nila.

"No." maikling sagot nito nang hindi man lang inaalis ang paningin sa kanina pa niya tinitingnan.

"I know how to bike. You can just sit on the chair at the back." sabi pa ng batang lalaki. Kahit na tumanggi ang kausap niya, alam niyang gusto rin nitong magbike.

"Okay lang. Doon na lang tayo sa treehouse." Tumayo na ang batang babae at naglakad patungo sa treehouse hindi kalayuan sa kinauupuan nila.

"Let's go, Kay!" sigaw ng batang babae nang nanatiling nakaupo lamang ang batang lalaki. The little boy then stood to his feet and followed the girl's footsteps.

Walang tao sa treehouse pag-akyat nila. Hindi ito kalakihan. Isa hanggang 6 na bata lamang ang maaaring magkasya roon. Kahit na gawa lamang ito sa kahoy, masasabing matibay ang pagkakagawa roon.

Pareho silang pumwesto sa bintana ng treehouse at tiningnan ang park. Ibinaling ng batang lalaki ang tingin sa katabi at naabutan itong nakatingin sa kalangitan. Ibinaling niya ang paningin doon at sinuri kung anong kakaiba doon para mapatitig dito ang batang babae. Nang muli niyang tingnan ang katabi, nakapikit na ang kanyang mga mata. Nagtataka man pero ginaya niya ito at dahan-dahang ipinikit ang mga mata.

"Sir! Sir, gising na po." Agad nagising si Kaylan nang marinig ang isang boses na gumising sa kanya. He then saw their driver looking at him through the rear-view mirror.

"Nandito na po tayo, Sir." magalang na sabi nito. Dumungaw si Kaylan sa labas at nakita ang isang bahay. Isang bahay na minsan na rin niyang naging tahanan. Nakauwi na nga sila.

Inayos nito ang nagulo niyang buhok at kinusot ang mga mata bago bumaba ng sasakyan. May antok pa siyang nararamdaman pero wala siyang nagawa kung hindi bumaba na. Mamaya na lang niya itutuloy ang naudlot niyang pagtulog. Hindi na nito nakita ang nakakatanda niyang kapatid. Marahil ay pumasok na sa bahay. Pagbaba niya ay nadatnan niya ang driver na siyang gumising din sa kanya kanina na ibinababa ang mga gamit nila kaya tumulong na rin siya. Pero hindi pa man sila natatapos, may dalawang babae na lumabas sa bahay at sinabing sila na ang bahalang magpasok sa mga gamit nila. Hinayaan na lang niya ito at pumasok na rin.

Pagkapasok pa lang sa bakuran ng bahay, muli niyang naramdaman ang pamilyar na pakiramdam. It’s been 15 years buhat nang iwan nila ang bahay na ‘yon. He can’t clearly remember how the house looked like 15 years ago. He was just 5 years old back then kaya imposibleng maalala pa nito ang itsura ng bahay noon. Pero gayunpaman, kahit lagpas isang dekada silang namalagi sa America, this house still feels like home to him.

Nagtuloy-tuloy si Kaylan sa paglalakad hanggang marating nito ang pintuan ng bahay. Hindi pa man siya tuluyang nakakatungtong sa loob, rinig na rinig na niya mula sa labas ang boses na nanggagaling sa loob ng bahay. Marahil ay may bisita ang kanyang kapatid.

He walked in silently, trying not to make a noise. Ayaw nitong mapansin siya ng Ate niya at ng kung sino mang bisita nito. Alam niyang ipapakilala na naman siya nito sa kanyang bisita oras na makita siya. Ewan pero kahit na maraming beses nang nangyayari ang pagpapakilala sa kanya ng kanyang ina at kapatid sa mga kasosyo nito sa negosyo, hindi pa rin siya nasasanay. Maybe it’s because he don’t like socializing. He’s not the type of person na gustong-gusto na makasalamuha ng iba’t ibang tao. Mas gugustuhin pa niyang manatili sa kwarto niya at titigan ang ceiling doon kaysa sumama sa mga party na pinupuntahan ng Mama at Ate niya.

Kalipay || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon