Kabanata 05

24 3 0
                                    

"Saan tayo pupunta, Ging?" Tanong ko dahil inaya ako nito na umalis. Napapatingin sa akin ang mga nadadaanan namin kaya medyo lumapit naman ako sa prinsipe.

"Sa bayan. Nababagot ka na sa rito sa palasyo, sabi mo. Medyo maayos naman na ang iyong pakiramdam ngayon kaya pwede ka ng lumabas. Pero huwag kang masyadong lalayo sa akin dahil baka mabangga ng ibang tao ang sugat mo." Tumango naman ako at nakaramdam ng tuwa dahil sa wakas ay makakapunta na ako sa ibang lugar maliban sa palasyo. Halos masaulo ko na ang palasyo dahil sa mahigit ilang linggo kung pananatili.

"Dapat ba ay may kawal ka talaga kapag umalis ka?" Tanong ko rito kaya napalingon naman ito sa akin. May kasama kami ngayong anim na kawal. Sila ang humarang sa harapan, gilid at likuran namin para hindi kami mabunggo ng ibang tao na dumadaan.

"Nais ng Ama at Ina ko na palagi akong may kawal na kasama kapag aalis ako o maski sa palasyo man." Sagot nito napatango-tango naman ako. Bigla naman itong napatitig sa akin ng ilang sandali kaya kinunotan ko naman siya ng noo.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo na naman sinuot ang iyong binyeo, anak ng buwan."

"Maayos naman ang buhok ko kahit wala na iyon. Hindi ko na kailangan pa bagay na iyon." Sagot ko dahilan para mapabuntong-hininga na lamang ito.

"Gawin mo ang iyong gusto." Saad nito kaya mahina na lang akong natawa. Siguro ay nagsisimula na namang maubos ang pasensiya nito.

Nang makarating sa bayan ay napahanga na lang ako dahil maraming binebenta na mga bagay at pagkain. Napatingala ako sa isang malaking puno ng cherry blossom. May mga bulaklak itong namumukadkad na sobrang gandang tingnan. Napatitig pa ako doon ng ilang sandali dahil masyadong naagaw ng ganda niyon ang atensiyon ko. Pero maya-maya ay nagpatuloy na rin matapos tawagin ng prinsipe ang aking pangalan.

Una naming pinuntahan ang bilihan ng mga damit. Iba't-ibang klaseng disenyo ng hanbok ang nakikita ko.

"Sukatan niyo siya ng kakasiya sa kaniya. Titingnan ko kung anong mga babagay sa kaniya." Saad ng prinsipe ng makapasok kami sa loob ng bilihan. Naiwan sa labas ang mga kawal dahil inutusan ang mga ito ni Ging na doon na lamang maghintay.

Agad namang kinuha ng may-ari ng bilihan ang maraming magagandang hanbok at dinala iyon sa amin. Binigyan din muna nito ng tsa ang prinsipe na ngayon ay nakaupo na sa malambot na tela sa sahig at umiinom ng kaniyang tsa at deritsong nakatingin sa akin. "Umalis ka na. Tatawagin na lamang kita kapag tapos na kami." Bahagya namang yumuko ang may-ari ng bilihan at umalis na dahilan para maiwan naman kaming dalawa. "Magsimula ka ng magsukat." Utos na naman nito sa akin. Tumango naman ako at agad na hinubad ang suot na hanbok ko at kinuha ang unang hanbok na nasa pinakataas. Makaraan ang ilang sandali ay natapos na ako sa pag-aayos.

"Masyadong malaki." Saad nito kaya ngumiwi naman ako dahil totoo ang sinabi nito. Masyadong malaki ang hanbok na suot ko ngayon. "Palitan mo."

Sinunod ko naman ang sinabi nito at agad na pinalitan ang suot ko. Nagpatuloy lang ang pagpapalit ko pero patagal ng patagal ay may isa akong napapansin sa prinsipe. Sa ikalimang pagpapalit ay tumigil naman muna ako sandali. "Bakit titig na titig ka sa katawan ko, mahal na prinsipe?" Tanong ko rito dahilan para mapataas naman ang tingin nito at nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Bawal bang titigan ang iyong katawan, anak ng buwan?" Tanong din nito pabalik.

"Hindi naman. Pero napapansin ko na kanina ka pa nakatitig sa aking katawan."

"Hinahangaan ko lamang ang iyong... katawan. Bawal ko bang gawin iyon?" Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa at hindi na pinansin ang mga titig nito.

SINESTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon