Kabanata 13

6 2 0
                                    

Masaya ko lang naman na pinanood ang anak ng buwan na kumain. Pagkarating namin ay agad kaming dumeritso sa hapagkainan at nagpahanda kaagad ako ng mainit na tsokolate at iba't-ibang klaseng tinapay para sa kaniya. Bukod sa ibang pagkain ay ito talaga ang labis na gusto niya sa lahat.

"Sigurado ka bang tsa lang ang iyong gustong inumin, Ging?" Tanong nito at parang batang humigop sa tsokolate niya dahilan para malagyan naman ang kaniyang labi.

"Sigurado ako. Ako'y busog pa." Saad ko saka kumuha ng pamahid at pinahiran ang kaniyang labi. "Dahan-dahan lamang sa pag-inom. Mainit pa iyan." Nakangiting saad ko sa dating puwesto. Habang siya ay nawili naman ulit sa pagkain at sa kaniyang mainit na tsokolate. Iyon ang kaniyang kasiyahan.

"Pwede ba tayong maglibot sa bayan mamaya, mahal na prinsipe?" Kaniyang tanong nang matapos lunukin ang pagkain na nasa bibig.

May ilang libro pa akong kailangan na basahin mamaya. Meron din akong papeles na kailangang permahan. Pero siguro ay pwede ko naman iyong ipagpaliban muna. Madami pa naman akong oras para gawin iyon.

"Kung iyan ang iyong gusto, anak ng buwan." Sagot ko naman dahilan para sumilay naman ang masayang ngiti sa kaniyang labi.

Kung ganoong reaksiyon din naman ang matatanggap ko ay ikakatuwa kung ipagpaliban ang mga gawain ko para samahan siya palagi.

"Mahal na prinsipe... madami pa kayong gawain ngayong araw." Agad ko namang sinamaan ng tingin ang punong tagapagbantay nang sabihin niya iyon. Hindi ko na nga binanggit pero siya itong hindi nagpigil na sabihin na iyon.

Binigyan naman kaagad ako nito ng nagsisising tingin saka yumuko bilang paghingi ng tawag.

"May gagawin ka pala, mahal na prinsipe. Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Tanong ni Sin dahilan para mapabuntong-
hininga naman muna ako.

"Huwag mo ng isipin iyon. Pwede kung gawin iyon sa susunod na araw. Ngayon, sasamahan kita ba maglibot sa bayan."

"Hindi. Ituloy mo ang iyong mga gawain. Pwede naman tayong pumunta sa bayan kapag natapos ka na sa iyong mga gawain, hindi ba?" Nakangiting tanong niya kaya tumango naman ako.

"Sigurado ka ba diyan, Sin? Pwede ko namang ipagpabukas na lang ang gawain---"

"Sigurado ako kaya huwag mo ng ipagpabukas. Kung iyong nanaisin ay sasamahan kita mamaya." Saad niya pa at patuloy sa pagsubo ng tinapay.

Napangiti na lang ako at sinabihan na ang punong tagapagbantay na dalhin sa kwarto ko ang mga kailangan kung gawin.

Ilang sandali pa ay natapos naman sa pagkain ang anak ng buwan. "Pwede ba akong magdala ng tinapay doon sa iyong silid, Ging?" Tanong niya habang hawak-hawak ang dalawang tinapay sa magkabilang kamay.

"Ewanan muna iyan sa kanila. Magpapakuha na lang ako mamaya kapag kakainin muna para mainit-init pa at hindi pa matigas." Tumango naman siya at iniwan ang mga tinapay ang agad na lumapit sa akin.

"Inaantok ako." Saad nito at kinusot pa ang kaniyang kanang mata.

"Matulog ka na lang mamaya habang ako'y nagtatrabaho. Kailangan mo rin na magpahinga." Saad ko at tumigil muna sandali. Bumukas naman ang pintuan kaya lumabas na kami ni Sin at tinungo na ang aking silid. Nakasunod lang sa amin ang mga tagapagbantay pero hindi ba masyadong pinansin pa ang mga ito. Natutuwa ako sa aking katabi na nakahawak sa braso ko habang patuloy sa paghikab. Napapansin ko na inaantok talaga ito kapag natatapos na kumain.

Para siyang isang bata.

Nang makarating sa aking silid ay dumeritso naman ako sa harapan ng aking mesa at tinawag siya. "Dito ka mahiga." Pinagpag ko ang aking hita kaya lumapit naman siya at nahiga sa hita ko habang nasa likod banda ang katawan niya.

SINESTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon