Nagising ako kinabukasan at nasa isip ko pa rin ang pinag-usapan namin ni Sinestro. Sariwang-sariwa pa rin ang mga iyon sa isipan ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo na mula sa pagkakahiga. Naisip ko naman na puntahan si Sin na nasa kabilang kwarto lamang na siyang kwarto ko talaga.
Nang makalabas ako ay bumungad kaagad sa paningin ko ang punong tagapagbantay at ang mga kawal.
"Magandang umaga, mahal na prinsipe." Bati ng mga ito pero tumango lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Tumigil ako sa harapan ng aking kwarto at huminga muna ng malalim bago nagsalita. "Ako'y papasok na ngayon, anak ng buwan." Imporma ko at binuksan ang pinto. Napakunot naman ang aking noo nang walang Sinestro na bumungad sa akin.
Natutulog pa rin kaya siya?
Naglakad naman ako papunta sa aking silid pahingahan at natigilan nang makitang wala ito roon. "Sin? Nasaan ka?" Nagsimula akong kabahan at nataranta na kung saan ito hahanapin.
Nilibot ko ng buong silid sa paghahanap. Lahat ng sulok ay aking tiningnan. Mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang patagal ng patagal.
"May problema ba, mahal na prinsipe?" Tanong ng punong tagapagbantay nang makapasok at kasama na nito ang mga kawal.
"Nawawala si Sin. Wala siya rito sa kwarto. Dito ko lamang siya iniwan kagabi bago ako pumunta sa katabing silid." Saad ko at nahilot ang aking sentido. "Nakita niyo ba ang anak ng buwan? Alam niyo ba kung saan siya pumunta?" Tanong ko sa kanila.
"H-Hindi namin alam, mahal na prinsipe. Simula kanina ng nasa labas kami ng silid sa kabila ay hindi namin siya nakitang lumabas mula rito." Sagot ng punong tagapagbantay na mas lalong binubuhay ang kaba sa dibdib ko.
"Hanapin niyo ang anak ng buwan at huwag kayong bumalik rito hangga't hindi niyo siya nakikita." Utos ko sa mga ito.
"Bakit niyo ako hahanapin?"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at dali-daling naglakad papunta sa kaniya at niyakap ito ng mahigpit.
Mabuti na lamang at mali ang mga iniisip ko.
"Saan ka nanggaling? Pinag-alala mo ako ng husto." Saad ko nang harapin ito.
"Pumunta ako sa kusina para humingi ng tinapay dahil ako'y nagugutom." Pakita nito ng tinapay na hawak niya.
"Bakit hindi ka nakita ng punong tagapagbantay at ng mga kawal?" Tanong ko pa ulit sa kaniya.
"Ah, iyon ba? Ginamit ko ang aking kapangyarihan para pumunta ro'n. Kagaya nito." Bigla na lamang itong nawala sa tabi ko at napunta sa labas sa isang iglap pero bumalik din kaagad ito at ngumiti. "Pasensiya na kung pinag-alala kita. Ako'y nagugutom lamang talaga."
"Puwede na kayong lumabas." Utos ko sa punong tagapagbantay at sa mga kawal. Yumuko naman ang mga ito bago tuluyang umalis at sinarado ang pintuan.
"Ikaw ba ay galit sa akin, Ging?" Tanong nito.
"Hindi ako galit sa iyo. Pinag-alala mo lamang talaga ako ng husto. Akala ko ay may masama ng nangyari sa iyo." Hinaplos ang pisngi nito at niyakap ulit.
"Hindi ako aalis ng hindi nagpapaalam, Gin-hoo. Huwag kang mag-alala." Nakangiting usal nito dahilan para mapatitig naman ako sa kaniya.
"Bakit napapadalas yata ang iyong pagtawag sa akin sa totoo kung pangalan, Sin?" Tanong ko sa kaniya.
"Maganda ang iyong pangalan. Sayang naman kung hindi natin gagamitin, hindi ba?" Nakangiting saad nito at tumyad at ginawaran ako ng halik sa labi. "Magandang umaga. Nakalimotan kung batiin ka."
BINABASA MO ANG
SINESTRO
RandomIt's an old story of two person who met when the moon shine so bright in one of the darkest night. Ging, the prince of Duwan Impire, took a walk, it's his every night doing for him to feel relaxed. Isang gabi ay napansin niya ang isang lawa kung saa...