Kabanata 15

6 1 0
                                    

"Puwebe mo ba akong bilhan nun, Ging? Iyon oh." Turo sa tinapay na may minatamis na presa sa loob.

"Ilan ang gusto mong kainin?" Tanong ko sa kaniya habang inaalalayan siya sa paglalakad papunta sa tindahan na siyang nagbebenta ng itinurong pagkain ni Sinestro.

"Dalawa para sa akin. At dalawa rin para sa'yo. Nang sa gano'n ay bagay tayo." Nakangiting saad nito kaya napangiti na lang din ako.

Hindi ba niya alam kung anong mga sinasabi niya...

Napailing na lang ako at hinarap na ang nagbebenta ng tinapay. "Apat na tinapay na may minatamis na presa. Paghiwalayin mo ang bawat dalawa." Utos ko sa nagtitinda.

"Masusunod, mahal na prinsipe." Saad nito at nagsimulang gumawa.

"Masarap ba iyan?" Tanong nito ro'n sa nagtitinda.

"Masarap po ito at tinatangkilik ng mga tao rito sa Duwan. Tiyak na magugustuhan niyo ito, anak ng buwan." Nakangiting saad ng lalaking nagtitinda. Binatilyo ito at masayahin. "Ito na ang iyong tinapay na may presa." Bigay nito pero ako ang kumuha nun at siyang nagbigay kay Sin.

"Bawal mong hawakan ang anak ng buwan." Maotoridad na saad ko dahilan para mapayuko naman ito.

"P-Pasensiya na po, mahal na prinsipe. Hindi na mauulit ang aking kalabisang ginawa."

"Huwag mo na siyang awayin, Ging. Masarap ang kaniyang tinitinda kaya ayos lang kahit na hawakan ako nito."

"Pero hindi ayos sa akin iyon. Masyadong mahalaga ang anak ng buwan para lang hawakan ng kung sino-sino lamang."

"Mag-aaway ba tayo rito sa harapan ng mga tao? Ngumiti ka na lamang at tanggapin iyang tinapay mo. Kumain na lamang tayo at magsaya." Masayang saad nito at dumikit sa akin habang nakayakap ang isang braso sa kaliwang braso ko.

Nawala naman kaagad ang nararamdaman kung inis. Parang hangin iyon na bastang dumaan.

Tinanggap ko naman ang tinapay na bigay ng nagtitinda at sinabihan ito na ang punong tagapagbantay na kasama rin namin ngayon--ang magbabayad ng mga binili namin ni Sinestro.

"Masarap ba? Nagustuhan mo ba?" Tanong nito habang nakatingin sa aking tinapay na hawak.

"Masarap. Pero mas masarap pa rin ang labi mo." Nakangiting saad ko. Nagtaas naman ito ng tingin sa akin at mahinang natawa.

"Nag-iisa lang ang labi ko kaya tiyak na ito ang pinakamasarap sa lahat." Biro nito pero para sa akin ay totoo iyon.

Ang sarap halikan ng labi niya. Para itong minatamis na presa.

"Maupo muna tayo sa ilalim ng punong iyon." Turo niya sa puno ng cherry blossom. Sa ilalim niyon ay may upuan na puwedeng pahingahan.

Pumunta naman kami roon at pinagpatuloy ang pagkain sa bitbit naming tinapay. Hindi ko hilig ang mga ganitong pagkain at kailan lang kung makatikim ako ng mga ganito. Pero wala namang mawawala sa akin kapag kumain ako ngayon. Masarap naman at naaaliw akong kainin iyon lalo pa at maganang kumain ang kasama ko. Nahahawa na lamang ako.

"Ang ganda ng inyong lugar kahit saang banda tingnan, Ging." Humahangang nagtaas ito ng tingin sa paligid nang maubos niya ng kainin ang tinapay na hawak.

"Mas gaganda pa ang lugar na ito kapag dumating ang tagsibol." Saad ko at ibinigay sa kaniya ang tinapay na hawak ko. "Gusto mo pa ba?"

"Ibibigay mo ito sa akin?" Masayang tanong niya.

"Oo naman. Sa'yo na tutal ay gustong-gusto mo naman ito." Saad ko at ibinigay iyon sa kaniya at tumingin naman sa  kalangitan. "Malapit na ang taglamig. Babagsak na Ang puting nyebe. Tiyak na mas lalong mabubuhay ang iyong kagandahan sa pagbagsak ng nyebe." Saad ko at nilingon ito.

SINESTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon