Nagising ako nang sumapit ang hating-gabi. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakain ng bulaklak ng lotus. Ginising ko si Ging at nagising naman ito napaupo kaagad.
"Ayos ka lang?" Tanong nito.
"Umalis na tayo. Kailangan ko ng makakain ng bulaklak ng lotus sa aking lawa para bumalik na ang aking lakas at kapangyarihan." Saad ko. Binuhat na lang ako bigla at agad na tinawag ang punong tagapagbantay.
"Ipaghanda mo kami ng masasakyan." Utos nito.
"Ipapahanda ko kaagad ang karwahing bahay at ang mga kawal na magbubuhat dito---"
"Kabayo ang aking kailangan ngayon. Masyadong matagal kaming makakarating sa lawa ng mga lotus kapag ang karwahing bahay ang aming gagamitin." Saad ng prinsipe habang buhat-buhat pa rin ako.
Agad namang umalis ang punong tagapagbantay at halos ilang minuto lang ay bumalik na ito. Pinasakay naman ako ni Ging at agad na sumunod sa pagsakay. Nakita ko namang naghanda ang ibang mga kawal pero mas nauna na kaming umalis.
Nasa gitna ako ng dalawang bisig nito at nakapikit lamang ang mga mata. Labis na akong nanghihina. Para akong mapupunta sa malalim na pagtulog...
"Bilis..." Iyon lang ang naiusal ko. Pakiramdam ko ay hindi niya iyon narinig pero bahagya naman akong napangiti maramdamang mas lalong bumibilis ang takbo ng kabayo.
"Malapit na tayo. Kaunting sandali na lang, Sin." Saad nito kaya pinilit ko naman ang aking sarili na huwag pumikit.
Tama nga ang kaniyang sinabi. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami. Siguro dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito ng kabayo kaya halos ilang sandali lang at nakarating na kami dito sa lawa.
Agad itong bumaba mula sa kabayo at agad akong binuhat. "Andito na tayo. Pwede mo bang imulat ang iyong mga mata para sa akin?"
Marahan ko namang iminulat ang mga mata ko at nagtama ang mga mata naming dalawa. Nginitian naman ako nito at agad na naglakad papunta sa mismong lawa. Maingat na ibinababa ako nito at agad naman akong ngumiti sa kaniya at lumangoy na papunta sa gitna ng tubig. Agad kung naramdaman na sumisigla ang aking katawan. Hindi lang ang bulaklak ng lotus ang may kapangyarihan. Ang buong lawa ay may kapangyarihan.
Lumangoy ako sa ilalim noon at nanatiling nakababad ang katawan doon ng halos ilang sandali. Nang maramdaman umayos na ang aking pakiramdam ay doon na ako umahon at nakita si Ging na nakasakay na sa bangka habang deritsong nakatingin sa akin. Hindi ito nagsalita, bastang nakatitig lang ito sa akin. Nagsimula naman akong kumain ng bulaklak ng lotus para tuluyan ng bumalik ang aking lakas at aking kapangyarihan na nawala. Maayos na rin ang aking sugat. Tuluyan na itong humilom at hindi na masakit.
Nang tuluyang matapos na kumain ay nagbabad pa muna ako sandali sa tubig. Kalahati ng katawan ko na lamang ang nakalublob sa tubig. Ramdam ko pa rin ang titig nito kaya napabalik naman ang tingin ko sa kaniya.
"Bakit mo ako tinitigan ng ganiyan?" Tanong ko sa kaniya habang nagsisimulang lumapit sa bangka kung nasaan ito.
Hindi ito sumagot. Deritsong nakatingin lang ito sa akin habang namamahinga ang pisngi sa likod ng kaniyang palad. Nang tuluyan akong makalapit ay humawak naman ako sa gilid ng bangka at napataas ng tingin sa kaniya. Nagkatitigan pa kami ng ilang sandali bago tuluyang magtaas ang kamay nito at hinawakan ang aking baba.
"Labis akong humahanga sa iyong kagandahang tinataglay." Saad nito habang deritsong nakatingin sa aking mga mata pero hindi rin nagtagal ay bumaba ang paningin nito sa aking labi. Ako naman ngayon ang hindi makapagsalita. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib nang makitang unti-unting lumapit ang kaniyang mukha sa akin. Namalayan ko na lang ay nagtagpo na ang labi naming dalawa at hinahalikan na ako nito. Nang tuluyang makabawi sa pagkagulat ay agad ko namang hinawakan ang prinsipe sa kwelyo ng kaniyang damit at hinila papunta sa akin dahilan para malaglag ito sa lawa at mabasa pero patuloy lang ang halikan naming dalawa at minsan pang nagtagpo ang mga mata namin bago sabay na pumikit ang mata at nagpatuloy ang halikan. Walang namutawing salita sa pagitan namin pero para bang nagkakaintindihan kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
SINESTRO
RandomIt's an old story of two person who met when the moon shine so bright in one of the darkest night. Ging, the prince of Duwan Impire, took a walk, it's his every night doing for him to feel relaxed. Isang gabi ay napansin niya ang isang lawa kung saa...