Rehearsal
"Max"
Kanina pa kami dito sa bar pero hindi ko pa rin siya pinansin. Sobrang nahiya ako sa ginawa ko kanina, hindi ako maka get over dahil alam kong ako ang pinag-uusapan nila ngayon sa bahay.
Kinuha niya ang dala kong shot glass para lang makuha niya ang atensyon ko. I give him a glance pagkatapos ay hinablot ko ang glass na kinuha niya sa akin.
"Okay, talk to me. I admit it's all my fault" pagkasabi niya ay nilingon ko siya agad.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mas lalong mainis sa loko-lokong ito. I hate him kapag seryoso na siya, para bang manigas ka dahil sa malamig niyang titig.
"I swear to god, kung alam mo lang ang ginawa ko sa garden namin kanina" I chuckled.
"We have quick talk with tita, she said you are acting weird nang nagkasalubong kayo sa backyard niyo"
"If my siblings caught me, isusumbong nila ako kay mom dahil dito tayo pumunta"
"I'm really sorry if pumasok ako sa bahay nyo, tita see me outside waiting for you to come out, ang tagal mo kasi"
"Nag-text naman ako sayo, nagreply ka nga diba" I rolled my eyes at him.
"It's not my fault if you get caught, Max"
Patuloy kaming nag-sisihan kahit ako naman talaga ang may kasalan. It's nine in the evening already, I remember na may final rehearsal pa kami para sa graduation bukas.
"Ngayon ko lang din naalala"
Simula nang nakilala ko si Leo, siya ang tumayo bilang kuya ko. Wala siyang kapatid na babae kaya sa akin niya binibigay ang pagmamahal niya bilang sister. May rumors din na kumakalat na nakipagbreak ako kay Liam dahil kay Leo.
"Leo" I called him. May kinuha lang ako sa aking pouch nang bigla nalang siyang nawala sa tabi ko.
Tumayo ako para hanapin siya. I'm little bit tipsy dahil sa anim na glass na nainom ko. Papalapit ako sa dancefloor ng may biglang humablot sa akin, akala ko ay si Leo pero nang makita ko ang piercing sa kanyang ilong ay bigla akong binalot ng takot.
"Excuse me?" sinubukan kong hawiin ang kanyang kamay pero lalo niya lang hinigpitan ang paghawak sa akin.
"Hey, can we dance?" Nag-hiyawan ang mga lalaki na nakaupo sa round table, sa tingin ko ay mga kaibigan niya iyon.
Nilingon ko ang dance floor para hanapin si Leo, namataan ko sa gilid ng aking mata ang pagtitig ng isang pamilyar na lalaki.
I saw a familiar face seating in the middle of two girls. Kahit na hinawakan at hinalikan na siya sa leeg ng dalawang babae ay sa akin parin nakatutok ang malamig niyang mga tingin.
"Is that Jayvee's son?" rinig ko sa aking likod.
Buong lakas kong tinulak ang lalaki para makawala sa kanya, sa lakas ng pagkatulak ay nawalan siya ng balansi.
Biglang tumayo ang lalaking kanina pa nakatingin sa akin. Hinablot niya ang aking pulsuhan at marahas akong kinaladkad palayo sa kanilang table. Nalagpasan ko ang table namin ni Leo kung saan nakalagay ang pouch ko.
"I'm looking for my friend, pls let me go!" Nilingon niya ako saglit at nag-patuloy ulit sa pagkaladkad sa akin.
"My pouch is still there, kukunin ko la-"
"Dito ka lang, kukunin ko ang pouch mo" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, I can't stand here while Leo are still dancing with those girls.
Natagalan kami sa paghanap ni Leo dahil sa kasama ko. Narinig ko kanina na pinapahanap nitong katabi ko si Leo sa mga lalaking tambol na naka uniporme ng logo nitong bar.
"Leo, are you stupid?" Pagalit kong sabi.
"My ppg is here, kung hindi lang ako tinawag ng mga lalaking iyon ay siguro makalimutan kong kasama pala kita" anya sabay turo ng mga tambol.
Hihingi sana ako ng pasensya at salamat sa lalaking tumutulong sa akin kanina pero nawala na siya sa aking paningin, siguro ay umalis siya dahil nandito na si Leo.
Nagpaalam muna si Leo sa kanyang mga babae bago kami umuwi. Hindi ko na binanggit sa kanya ang nangyari kanina para hindi na malaman pa ni John.
Ilang araw na kaming walang komunikasyon ni Liam dahil sa hectic naming schedule. We do facetime sometimes pero puro paumanhin dahil sa pagiging busy at career niya lang ang pinag-uusapan namin.
"Are you sleepy?" Liam in dizzy tone.
"No, I want to talk to you"
"We're already talking" Liam chuckled.
"I'm serious, Liam"
Umupo ako para ipakita sa kanya na seryoso ako. Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyari ang pagtawag ng kanyang manager sa kanya tungkol kay Lory.
"About what?" Kunot noo niyang tanong.
"Lory"
Pagkasabi ko sa pangalan ng babaeng iyon ay biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Seryoso siyang nakatingin sa akin, para bang binabasa niya ang kung ano ang aking iniisip.
"What about her?"
Bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya. Kaya niya ba akong iwanan para lang sa kanyang pangarap? Kaya niya kaya akong piliin kung sakaling darating ang lahat ng aking kinatakotan?
Kung sakaling pipiliin niya si Lory para sa kanyang pangarap ay okay lang. Kung iyon ang magiging dahilan para makamit niya ang kanyang mga pangarap, rerespetohin ko ang kanyang desisyon.
Masakit, masakit na bibitawan mo ang taong mahal mo para sa ikasasaya ng iba.
"Nothing, what time is your flight tomorrow?"
"Around five in the afternoon, Max"
Masakit isipin na hindi na ikaw ang nagbibigay ng ngiti sa kanyang mga labi. Na hindi na ikaw ang kanyang iniisip araw-araw. Iniisip ko palang ang scenario nilang dalawa na masaya sa isa't-isa ay ikadudurog na ng aking puso.
Three days na si Liam sa London para sa upcoming concert nila doon. I'm always proud of him, ginagawa niya lahat para sa kanyang sarili at sa kanyang mga magulang.
"Today is our last rehearsal" anya sabay lagay ng kanyang cellphone malapit sa kanilang pwesto upang makita ko silang lahat na nag-iinsayo.
"Nasaan si Kiro?" Apat lang ang nakita ko sa tabi ng drumset.
"May fifteen minutes pa naman kami para mag prepare, Tyra is here" Tyra is Kiro's long time girlfriend.
"Oh, I hope I can see her again"
"Soon" he said.
Tumakbo si Liam dala ang kanyang guitara patungo sa kanyang mga ka banda. Malakas na tugtog ng drum na sinabayan ng guitara ang umingay sa kanilang pinag-insayohan.
Kinuha ko ang aking macbook para tignan kung may schedule ba ako bukas, pero wala. Sa paaralan lang ang lakad ko bukas para sa aming class pictorial.
Narinig ko sa kabilang linya ang pagsigaw ng isang pamilyar na babae. Dahil sa lakas ay napalingon ako, kitang-kita ko ang pagkagulat ng lahat dahil sa pagpasok niya. Tumingin si Liam sa direksyon ng kanyang cellphone na ginamit sa pag facetime namin dalawa. Napansin ko ang pagkataranta niya na para bang may nagawa siyang malaking kasalan sa akin.
Lumapit ang babae kay Liam, hindi ko napansin na nasira ko ang aking pencil dahil sa galit. I saw the girl kiss Liam on his lips, hindi man lang umiwas si Liam sa kanyang ginawa. Sabay-sabay na nagulat at tumingin sa akin ang mga kaibigan ni Liam.
What the hell Lory.
Nangingilid ang aking mga luha dahil sa galit at iritasyon. Dapat ay masaya ako dahil unting-unti na siyang napamahal kay Lory pero ang kapalit pala ng lahat ng ito ay ang pagkadurog ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/286869897-288-k570335.jpg)
YOU ARE READING
Reckless [The Abueva Series 01]
RomanceMax is a model in New York who fell in love with the guitarist of a famous band named Liam. The separation of the two became an issue due to Liam being a womanizer. During their eight years of residence there, their parents decided to live in Cebu...