Surprise
Kinaumagahan ay naging abala kami ni tita Francheska para sa upcoming tv commercial na kung saan ay kasama ko ang sikat na actor na galing pang ibang bansa.
“Hija, you look sa tired today” nag-alalang sabi ni Francheska.
I admit, buong gabi akong tulala sa kisame ng aking kwarto dahil sa nangyari. Kahit anong posisyon na ang gawin ko upang maging komportable sa pagtulog ay hindi pa rin ako dinalaw ng antok.
“I'm okay po, Tita” I smile at him.
Madaling araw kaming naghanda dahil malayo ang naging byahe namin. Si tita lang ang kasama ko dahil hindi pa kami nag-usap ni Leo simula pa kagabi dahil sa nangyari.
“Chin to the right, Brenson” sigaw ng photographer sa kasama ko.
Hindi ako naging comfortable sa aking tabi dahil mukhang manyak. Ako naman ngayon ang tinignan ng photographer. Ang hirap ng pinapagawa niyang pose pero masasanay din ako. Medyo natakot ako noong una ko siyang nakita dahil sa kanyang awra.
“You look so Elegance, Max” napangiti ako dahil sa sinabi niya.
“Can you move closer, Brenson?” nagkasabay kami ng katabi ko sa paggalaw kaya napatingin ako sa kanya.
Focus Max!
“Pak! Nice pose, Max!” sigaw ng photographer sabay palakpak.
“Thank you, Mr. Karl” nahihiya kong sabi.
Buong araw ang naging shoot namin. Nanghihina ako sa sobrang pagod at dahil na rin hindi kami kumain simula pa kaninang umaga.
“This photos are so nice!” nagpalakpakan silang lahat. “Congrats Max and Brenson”
Ngitian ko silang lahat dahil sa kanilang pagbati. Tatayo sana ako nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Hinanap ng aking mga mata si tita France pero hindi ko siya makita.
“Thank God! You're now awake!” natatarantang sabi ni mom.
Napatingin ako sa puting kisame. I sighed, ano na naman ang nangyari sa akin.
Kakapasok lang ni Liam bitbit ang bottled water at isang gamot na sa tingin ko ay para sa akin.
Naalala kong buong araw kaming nag-shoot at hindi man lang kumain. Mom, dad, John and Liam are both staring at me, binabasa ang aking mga kilos.
It's photographer's fault! Mas iniisip niya ang shoot kaysa sa aming mga models at staff. Mukhang pera talaga iyong baklang iyon.
“I hope hindi ka matagalan sa pag confine didto dahil malapit na ang kaarawan ni John” dad said.
“Yes, dad” nanghihina kong sabi.
Parang deja vu ang nagyayari sa akin ngayon. Johannie is a martial arts player at aksidenteng na injured siya dahil sa international sports event na kung saan isa siya sa mag representa sa bansang pilipinas. Though hindi siya lumaki doon, nalaman ng mga coaches na meron siyang potential upang siya ang magwagayway ng watawat ng pilipinas.
She was confined before my birthday kaya hindi kami nakapag celebrate dahil doon. It's my first birthday na hindi namin na celebrate, kahit family dinner wala. Lahat ng atensyon nila na sana ay para sa celebration ng aking birthday ay nakatuon kay Johannie na nanghihina.
Busy sa paghahanda ang lahat dahil ngayon ang kaarawan ni John.
“Max, tulongan mo kami sa paglagay nito,” binigay sa akin ni Sidang ang malaking dalawang number na one at six na gold balloon. “Mamaya kana maligo, tara na!”
I think masaya naman ang pagdekorasyon kaya papatulan ko na. Blue ang naging theme ng kanyang birthday party. Natawa nga kami ni sidang dahil ayaw ni John na may nakalagay na cartoon character.
“Ang cute kaya” panunukso ko sa kanya.
“Shut up” naiirita niyang sabi.
Pagod kong kinuha ang towel at pinunasan ang pawisan kong mukha. Alas dos na kami ng hapon natapos sa lahat ng aming pagdekorasyon.
“Ate Sidang, maliligo muna ako” paalam ko sa kanya.
Tumango si ate sidang at nagpatuloy sa pagluto ng grilled pork. Pumasok ako sa bahay para simulan ng maghanda para sa celebrasyon.
Oceanic blue fitted dress ang binili ko dahil gusto ko lang na simple. Mom also brought some blue stuff para daw maganda tignan. John look annoyed because of his blue toxido, but then bagay naman sa kanya.
Six-fifty ng hapon nang dumating ang ibang bisita. Nasa baba na silang lahat samantalang ako ay bumalik sa aking room para ayusin ang aking buhok.
All visitors are wearing blue. Lahat sila ay namangha sa mga disenyong nakalagay. I even saw tita Elle, mom's attitude cousin looking at me. Tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos ay umupo siya sa assigned chair.
“That witch, akala ko ba ay busy siya?”
Tumilapon ang dala kong suklay dahil sa biglaang pagsalita ni Johannie sa aking likod.
“Ano ba! Wala bang usong katok?” pikon kong pagkasabi.
Tumawa siya, akala ko ay tapos na siya sa pang-iinis sa akin pero kinuha niya lahat nga make up kit ko at pumwesto sa aking sofa.
“Don't you dare to use it! Kahapon lang yan binigay ng sponsor ko!” pilit kong kinuha sa kanya ang mga make-up. “Pls, hindi ko pa na post 'yan sa instagram!”
Nagpatuloy siya sa paglagay ng kung ano-ano sa kanyang mukha bago napag desisyonan na bumaba dahil magsisimula na.
Galing sa loob ay rinig na rinig ko ang malakas na musika, nag rent kasi ang parents ko ng dj para daw masaya ang magiging party.
“Bakit naman pang matanda ang pinatugtog nila mom?!” pagiinarte ni Johannie.
Biglang nag off ang lights dahilan ng pagbulong bulongan. Rinig ko sa kabilang table ang pag iyak ng isa sa mga nephews ko na si Jake. Sigaw ng sigaw si mom sa mga pangalan namin kaya bigla akong nataranta. Tumakbo ako patungo sa direksyon niya kahit wala akong makita.
“Mom, where are you?” hinihingal kong sabi. “Can you hear me?”
“I'm here, can you pls on your phone's flashlight?”
Hindi ko pa na on ang flashlight ay lumiwanag na ulit. Naluha ako dahil sa halo-halong naramdaman. Si tita at dad ang may dala ng malaking tarpaulin na may nakasulat na Congratulations. Si mama at may dalang boquet ng favorite kong flowers.
“You all plan this?” natatawa kong sabi. “napaiyak niyo si James”
Nilingon ko ang bata na patuloy pa rin sa pag-iyak. Nilapitan ako ni mom at hinagkan sa noo. Nakita kong lumapit din si Johannie kay John na mukhang hindi nag-eenjoy sa kanyang birthday celebration.
“So kailangan ba ang uwi niyo?” tanong ni Tita Elle na nakataas ang kilay.
“We will talk about that after this party, Elle”
“Pumayag na si mama para maipagpatuloy ang negosyo sa Cebu” seryosong sabi ni Dad.
What’s going on?
“I know it's rude para makisali sa inyong usapan” umupo ako sa isang bakante na upuan katabi ni tita elle. “Uuwi na po ba tayo ng Cebu?”
Narinig ko na tumikhim si Dad at nakisalamuha sa ibang bisita. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil matutupad ang isa sa mga hiling ko ngunit may part sa akin na nasasaktan akong umuwi sa Cebu dahil sa naging buhay ko dito.
Bumalik ako sa katinuan nang hawakan ni mom ang aking kamay.
“We will talk about this privately, I hope you will understand” bumuntong hininga siya at ngumiti. “For now let's enjoy. I don't want to ruin the celebration of your brother's birthday”
YOU ARE READING
Reckless [The Abueva Series 01]
RomanceMax is a model in New York who fell in love with the guitarist of a famous band named Liam. The separation of the two became an issue due to Liam being a womanizer. During their eight years of residence there, their parents decided to live in Cebu...