Selfish
I woke up early to take a shower. I told them everything so now they are all dissapointed with me.
“Gusto mo ba na samahan ka namin? Baka kasi ano ang gawin ng mom mo sayo” nag-alalang si Carla.
“Oo nga, Max” Safie.
“Umuwi na kayo. Ako na bahala kay, Max” Leo na nasa aking gilid.
Nilingon ko siya. Kagabi niya pa akong hindi kinausap. Tama ba ang naging desisyon ko? Halos lahat ata ng tao ay galit sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa malaking sofa. Busy pa sila sa pagligpit ng kanilang mga gamit sa loob ng maleta.
“Guys, I'm very sorry,” Nilingon ako ni Elaine. “Hindi ko sinabi kay Liam ang trip natin”
I know they will understand me. Nilingon ako ni Carla na halatang dissapointed sa ginawa ko.
“Kahit may misunderstanding kayong dalawa, Max..” sinirado niya ang kanyang maleta at nilingon ulit ako. “Liam is still your boyfriend”
Nagkatinginan si Safie at Elaine. Si Leo naman ay busy sa paggamit ng kanyang Macbook.
“Padala kayo ng maintenance dito” Si Leo na kausap ang isa sa mga head dito sa kanilang hotel.
I texted Liam kung nasaan siya ngayon ngunit hindi siya nag-reply. Lumapit ako sa gilid ng malaking window kung saan kitang-kita ang kabilang isla.
Namangha ako dahil sa magandang tanawin. Maraming mga ibon na sabay-sabay sa paglipad patungo sa kabilang isla. May iilan din na turista ang nasa islang iyon upang pumasok sa sikat na kweba roon.
Bumalik ang takot ko nang tinawag ako ni Leo. Eleven na pala ng umaga kaya uuwi na kami. Lumabas na ang tatlo samantalang si Leo ay nasa pintuan pa nag-hihintay sa akin.
Pagkalapit ko ay agad niya pinulupot ang kanyang kamay sa aking baywang. Akala ko ba ay galit siya sa akin?
Kumunot ang noo niya nang mapagtantong napatitig ako sa kanyang mukha. Una akong umiwas at nag-patuloy sa paglakad.
Umabot ng apat na oras ang naging byahe namin pauwi. Si Safie at Carla ay hinatid muna namin sa malapit lang na mall dahil may bibilhin daw ang mga ito. Si Elaine naman ay sa isang gasoline station siya nagpadrop dahil susunduin umano siya ng kanyang boyfriend.
Pinark ni Leo ang kanyang Vios sa parking lot malapit sa amin. He sighed bago siya lumabas sa kanyang kotse. Pagbubuksan niya sana ako nang naunahan ko siya.
Mabilis ang lakad ko patungo sa malaki naming pintuan. Nakalimutan ko ang aking mga bagahe sa kanyang kotse. Nag-face palm ako dahil sa kabobohan, nakakahiya.
Nilingon ko siya na kinuha ang aking malita. Mabilis akong bumalik sa kanyang kotse at kinuha ang aking gamit na dala niya.
“Sorry,” hinawi ko ang kamay niya. “Ako na”
Si Sidang ang sumalubong sa amin sa hamba ng pintuan. Ngitian ko siya ngunit ang sukli niya ay takot na ngiti.
“K-kumusta, Max?” Nilingon niya ang lalaking nasa tabi ko “Nandito ka pala sir”
Next week marami akong schedule na gagawin. Modeling Agency, Brand Ambassador contract signing, Fitting dress for Gala 2020. Iniisip ko palang nahihirapan na ako.
“Nandiyan ba si Mom at dad? Ang mga kapatid ko?" Nalilito kong sabi. “And L-liam?”
Nilingon ko si Leo na binigyan ako ng shut-up-look niya. Inirapan ko lang siya. Alam kong wala siyang kasalanan. Galit siya sa akin dahil kasalanan ko naman.
Napasigaw ako dahil sa frustation na naramdaman. Nauna ako kay Sidang na pumasok sa aming bahay. Tahimik, walang ka tao-tao. Ang tanging narinig ko lang ay ang pag-uusap ng nag-iisa naming driver at si sidang sa aking likod.
Kunot noo kong nilingon si Sidang. Tinignan ko siya, gets na niya siguro ang tinutukoy ko.
“Ano pa ang hinintay mo? Go ahead, face your stupid problem” Leo sa isang dissapointed na tono.
Diretso lang ang tingin ko sa aming hagdanan. Narinig ko ang halakhak ni Johannie at John kaya napalingon ako sa kanila. Bigla silang nagseryoso at bumaling kay mom na ngayon ay nakahalukipkip sa tabi ni dad.
Max, here we go again.
Nagmano si Leo sa kanila at bumalik sa aking gilid. May sinabi si mom sa dalawa kong kapatid kaya sabay silang umakyat sa kanilang mga silid. Siniklop ko ang dalawa kong kamay para mawala ang aking kaba na naramdaman.
“Good Afternoon, Max” nilingon niya ang aming mini living room.
Ngayon lang siguro ako takot na takot sa buong buhay ko. Kasalanan ko kaya dapat ko itong solusyonan. If my parents force us to be together again, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. I'm trying to forget him. I'm trying to ignore him. I'm trying to move on. Ginawa ko lahat ng ito para sa amin, sakanya. Para sa mga pangarap niya.
“Liam hijo, Max is here” pagkasabi ni dad ay bigla akong nanghina.
Nilingon niya ako. Puno ng galit, sakit. at paghihinayang ang kanyang mga mata. Ayaw ko ng parihapan pa ang kung anong meron sa aming dalawa.
“We talk about this diba?” nanginginig kong sabi. “Pls, tama na”
Nakatingin lang siya sa akin na parang wala lang sa kanya lahat ng sinabi ko. Wala akong pake sa mga taong nakatingin sa amin ngayon. Kahit alam kong ayaw akong makita ng mga magulang ko na ganito.
“I know” matabang niyang sabi.
“You want me to be with Lory?” yumuko siya bago ako tinignan ulit. “Then why?”
Pumikit ako dahil sa sobrang sakit na naramdaman. Hindi ko man lang inisip ang kanyang nararamdaman. Masyado ba akong selfish? Mas iniisip ko pa ang nararamdaman ko kaysa sa kanya.
“Liam, ginawa ko ito para sa iyo! Para sa mga pangarap mo! Isipin mo muna ang iyong sarili bago ang relasyon natin. Maybe I'm so selfish pero ginawa ko lang naman lahat ng ito para sa ikabubuti mo”
Hot tears flaws like a falls in my eyes. Nawalan ako ng lakas kaya muntikan akong matumba. Salamat kay Leo at hindi siya umalis sa tabi ko.
“Liam, Hindi mo man lang naisip kong anong pwedeng gawin ni Lory sa iyo? Sa ating dalawa?! Isipin mo! Bata pa tayo Liam, marami pa tayong mga bagay na hindi pa natuklasan, marami pa tayong sakit na mararanasan!”
Nilapitan ko siya at buong lakas na tinulak. Hindi man lang siya nawalan ng balanse.
“Gumising ka Liam! Hindi tayo para sa isa't-isa! mahalin mo nalang si Lory” sinuntok ko siya pero wala pa rin iyon sa kanya. “Pls Liam pls”
Tumingin siya sa aking mga magulang. Nilingon ko rin sila, parang nanonood lang sila ng isang movie.
Bigla akong niyakap ni Liam patalikod.
It hurts.
“If iyan ang gusto mong mangyari” hinigpitan niya lalo ang pagyakap sa akin. “I will do it, just to make you happy”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagmamadali siyang lumabas sa aming pintuan. Muli akong humagulhol sa pag-iyak kaya nilapitan ako ng aking ina.
“Liam, explained us everything” mom said.
Dad is in mom's side look so worried.
Ang nasa isip ko ngayon ay tama ang naging desisyon ko. Kahit nasaktan ko siya hindi ibig sabihin na masaya ako. Para sa akin ay naging tama rin ang aking desisyon. Soon maintindihan niya rin ang ginawa ko para sa ikabubuti niya.
It hurts seeing him hurt because of me.
I swear Liam well regret why he choose me than those girls with bigger boobs.

YOU ARE READING
Reckless [The Abueva Series 01]
RomanceMax is a model in New York who fell in love with the guitarist of a famous band named Liam. The separation of the two became an issue due to Liam being a womanizer. During their eight years of residence there, their parents decided to live in Cebu...