Chapter 12 - What the hell happened?

93 9 6
                                    

"May pagnanasa ka talaga sa kanya. Mag sorry ka kaya muna" Sabi ni Yassi na kanina pa kain ng kain. Nandito pala kasi kami sa Favorite Seafood restaurant ni Yassi. Habang ako tulala, siya order ng order. Hay nako.

"Nakakahiya nga kasi. Ni hindi ko nga alam ang sasabihin ko eh" Paliwanag ko.

"O.A? "Sorry" lang hindi pa masabi?"Diniin talaga yung salitang sorry.

"maka O.A ka naman. Kung ikaw kaya nasa sitwasyon ko? Hmm" Sabay subo ng Tempura.

"Ay masarap yan. Patikim bes." sabay hablot ng kakagatin ko na. Badtrip talaga to. Matakaw talaga eh.

"Paano kaya kung nandito si James?" Biglang natulala si Yassi "Baket?" Tanong ko.

"Speaking of James. Ayun siya Oh" Sabay turo kung nasaan.

Lumingon ako at biglang nakita ko agad ang maskulado niyang katawan. Nakahubad siya. Wag kayong magtaka. Ibang uri ng restaurant to. First Floor ay ang kainan. Sa taas naman puro Pool. Kaya pala nag taka ako nung pagpasok palang namin parang may mga tao sa taas.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ko ulit.

"Are you serious? Malamang baka nag outing sila. Eh puro pool sa taas." Sarcastic niyang sagot.

Tapos biglang nawala nanaman yung gana kong kumain. Nag-lean ako sa mesa at nagiisip kung anong gagawin.

"Baket? Kinakabahan ka ba?" Tinignan niya si James at parang may binabalak tong babaeng to "Tawagin ko siya gusto mo?" Nabigla ako sa pagkasabi niya. Bigla siyang tumayo. Buti nalang pinigilan ko siya. Badtrip naman Oh.

"Nababaliw ka na ba? Ni Hindi ko pa alam yung sasabihin ko" sagot ko.

~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos naming kumain. Umakyat kami para silipin yung taas ng restaurant. Biglang nagsulpotan ang mga batang tumatakbo. May dalang mga gaggles at salbabida. Hindi covered yung taas. Tanaw na tanaw mo yung paligid. Safe siya kasi dahil nilagyan ng bakod. Merong tatlong pool. Pambata pangmatanda. At yung isa parang pang swimming lesson.

Medyo madaming tao kaso hindi nagsisiksikan.

Nakita ko si James. Topless siya. Baket ganun nalang lagi nasa isip ko.
Bigla kong naisip si Yassi. Napalingon ako kung nasaan na siya. Hindi ko siya makita. Gaga talaga yung babaeng yun.

Nagsimula na akong magalala. Baket ba naman kasi ng iwan yun.

Nilibot ko buong pool area pero wala siya. Bigla nalang lumaki ang mata ko when I see Yassi was wearing only a bra and her panty.

Nilapitan ko siya at kinausap. Nakakaloka talaga tong babaeng to. "Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya akong ng are-you-kidding-me-look. "Obvious ba? Malamang maliligo?" sarcastic niyang sagot.

"Ay sorry naman po. Hindi po kasi kayo nagpaalam sakin na maliligo kayo at bigla bigla nalang mangiiwan." sagot ko.

"Ang dami mong sinasabi. Maligo ka na lang din." pagyaya niya sakin.

"Ano bang sinasabi mo? Ni wala nga tayong pamalit na damit eh. At tsaka nakakahiya ang daming lalake. Mamaya manyakin tayo dito."

"Basta. Naka bra and panty ka naman diba? Wag mong sabihing hindi. Kadiri ka."

"Oo na" then pumasok na ako sa isang banyo tutal iisa lang naman ang banyo at walang gumagamit kaya pumasok na ako.

Nagtanggal ako ng damit at itinira lang ang aking bra na hindi naman pagkalaswang tignan.

Habang kinukuha ko yung damit kong hinubad ko ay biglang may nagbukas ng pinto. Nagulat ako kaya naman napasiagw ako.

"Ahhhhhh" napakalas kong sigaw then bigla kong hinila yung pinto para isara.

Nagtataka ako, hind ko ba nai-lock yung pinto?

Nag-ayos ako ng sarili ko. Hay nako, napaka malas ko talaga.

Paglabas ko nakita kong nakatayo si James sa harap ng banyo. Siya ba yung biglang pumasok?

"Anong ginagawa-" hindi ko na napatapos yung sasabihin ko.

"Sorry. Hindi ko alam na nandyan ka sa loob?" sagot niya.

Bigla kong naisip na siya nga yung pumasok. Nakakahiya na talaga.

"Look, I'm really really really sorry. I didn't know you were there. I'm sorry!" paulit ulit niyang sabi sakin.

"No, its okay! Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko nalock yung pinto. Kaya okay lang" sabay ngiti.

Pero nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "Kailan mo ba ulit ako kakausapin?" tanong niya sakin.

Hindi ako makapagsalita.

Pero ang alam ko, I hugged him back. Ewan ko ba kung baket. Pero may nagsasabi sakin na gawin ko.

Siguro this is the right time to say sorry.

"I'm sor-" hindi ko nanaman natapos yung sasabihin ko ng biglang may tumawag kay James kaya naman napabaklas na yung yakap niya sakin.

"JAMESSS!" sigaw ng isang babae. Bigla namang napatingin si James.

Badtrip. Sino ba yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Match Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon