Chapter 11 - Abs pa more.

301 13 14
                                    

Napag isip-isip ko na kung kailan ko sisimulan ang paghahanap ng Signs. Siguro pag sa takdang panahon.

Pero paano kung hindi ko nahanap lahat. Kailangan in 5 days lang. Tapos sampung signs. Ano bayan. Kaya ko kaya ito?

"Okay class. For the first project that you're going to pass. All of you will bring some basahan. Last submission tomorrow . We're going to need it. So no project, no Grade this 2nd grading" Bigla siyang umalis. May pagka baliw din yung teacher na yun.

Nangiiwan.

Minsan Bus.

Madalas si Teacher.

Ano namang gagawin namin sa basahan? Hay nako. Siguro paglilinis nanaman kami. Dati nung 1st Grading ganyan ang ginawa samin. My God. Nakakasira ng beauty.

Dahil wala naman ng gagawin sa school, mas pinili ko nalanv na umuwi. Sabi naman ni Yassi May pupuntahan sila. Saan naman ako pupunta? Kung nandoon lang sana si James. Kanina pa ako nagpapapansin. Kaso hindi siya pumasok paano yan hindi niya alam na may project. Hay nako lagot yun. Wala siyang grade sa 2nd Grading. Bahala na yun. Basta ako inaantok.

Kaya pinili kong matulog nalang.

"Mahal kita" bulong niya sa taenga ko. Hindi ko makita ang mukha niya pero nabobosesan ko siya. Kilala ko siya.

"Sino ka? At baket ka nag 'I Love You' sakin? Kilala ba kita?" Sagot ko sa kanya. Hindi siya sumagot at bigla nalang niya akong hinalikan. Nabigla ako kaya hindi ako nakagalaw.

Bigla akong napapikit. Nararamdaman ko ang malambot niyang labi. Bigla siyang tumigil at naglakad palayo. Naiwan akong nakapikit na unti-unting binubuksan ang mata ko. Pagdilat ko wala na siya.

Hindi ko siya kilala pero baket niya ako hinalikan.

Bigla akong nakaramdan ng kaba. Biglang may mga boses na nagsasalita. Biglang nagsilabasan lahat ng aso. OH my God.

Bigla akong tumakbo. Pero pagod na ako. Kaya bigla akong natapilok. Ang sakit. Biglang lumapit yung aso at...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Bigla akong NAGISING. Bwesit panaginip lang pala. Halos mamatay na ako. Pawis na pawis tuloy ako. Hayyy.

Biglang sumulpot si Ate sa pinto. "Anong nangyayari?" hingal na hingal. Parang siya pa ata yung hinabol ng aso kaysa sakin.

"Na...na...nanaginip.... Ako... Huh. Hi... Hinahabol... Ako... Ng....  Aso...." Hingal na hingal din akong nagsalita. Para kasing totoo. Nakakatakot yung mga aso. Pero One thing na naalala ko ay yung lalakeng humalik sakin. Hindi ko talaga makita yung mukha niya.

"Akala ko na kung anong nangyari sayo. Sigaw ka ng sigaw." Sagot ni Ate habang hawak ang dibdib. Mukhang hingal na hingal na umakyat sa hagdan. Then bumaba na siya ulit.

Humiga ulit ako at inisip ang lalakeng napanaginipan ko. Naramdaman ko ang matigas niyang katawan dahil napilitan akong yumakap. Nawala ako sa pagiisip at baka dahil nabigla ako.

*School*

"So anong nangyari nung biglang lumapit sayo yung aso?" Tanong ni Yassi matapos kong ikwento sa kanya yung napanaginipan ko.

"Ewan ko nga eh. Bigla nalang akong nagising." Sagot na may pagtataka.

"Eh yung lalakeng humalik sayo? Anong nangyari sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Yassi.

"Para ngang tanga. Hahalikan ako tapos bigla nalang aalis." Medyo naiinis na sagot ko. Sino ba naman ang hindi maiinis doon? Eh bigla ka na nalang hahalikan sa labi.

"So baket ka naman nagpahalik?" Tanong ni Yassi.

"Ahhm? Ahhh. Hindi ko alam. Kain nalang tayo. Gusto mo?" Palusot kong sabi para naman hindi mahalata.

"Sagutin mo muna. Yung tanong ko-" then bigla akong umalis. Nakakahiya kasi, hindi ko alam ang isasagot ko. Pero sumunod din naman siya.

*Room*

Habang nagkwekwentuhan ang mga kaklase ko. Biglang dumating si James. Baket ngayon lang to? Saan kaya nanggaling to.

Then bigla namang sumunod na dumating si Sir.

"Okay class. Ahm. Siguro hindi muna tayo magkaklase ngayon kasi May pinapagawa sakin si Mr. Principal. Kaya ipapakolekta ko nalang yung pinadala ko sa inyo. Ah. Ikaw na ang incharge dito Ms. Lustre din pwede mo na silang paalisin. Okay? Sige bye. " Bigla ng umalis si Sir. Ako pa talaga ininCharge dito. Hay nako.

Pagkaalis ni Sir biglang  nagsilapitan yung mga kaklase ko. Parang zombie na atat na atat ng kumain. Nakita ko naman si James nakaupo lang at parang may iniisip.

"Uy ako muna nadine, ilista mo muna ako."

"Ako muna. Akong naunang lumapit sa kanya."

"Ako kaya. Alis nga kayo diyan."

Sabay sabay silang nagsalita. Hay nako, paano naman kaya kami matatapos nito?

"Wait lang pwede? Lahat naman siguro malilista ko. Pumila kaya kayo. " Sobrang stressful to. Yan tuloy napasigaw ako. My God.

Biglang tumahimik at isa isang pumila. Ilang minuto pa ay natapos din kami. Hay sa wakas. Kundi ako sumigaw doon siguro hindi na kami matatapos.

Nakita Ko parin si James doon nakaupo. Kaming dalawa nalang ang nandito sa  Room.

Lumapit ako sa kanya. "Ahm. May ipapast kabang project?" nag-aalanganin pa akong magsalita, syempre hindi naman kasi kami naguusap.

"Wala" Tipid niyang sagot.

"Paano yan? Kailangan kasi dito naka-depende yung grade mo."

Tumayo siya. At naghubad ng damit.

(O.O) <---- naging mukha ko. Like WHAT THE HECK? Baket siya naghubad? At sa harap ko pa mismo. OMG. His 6 pack abs. Perfect Body.... I mean, ano ba ito, baket ako nagkakaganito?

"A-aa-ano yan?" Nauutal kong sabi. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Diba sabi mo kailangan na? Oh yan, para naman May grade ako. Baket hindi mo tatanggapin?" Sagot niya. Seryoso?

Nakalahad na yung kamay niya pero hindi ko parin kinukuha. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko.

Hanggang sa pababa ng pababa yung tingin ko. Bigla akong natigil, pero binaling ko agad yung tingin ko sa kanyan. Pero nakita ko siya na ngumiti. Siguro ang iniisip niya pinagnanasaan ko siya. What the?

Kinuha ko yung damit niya at bigla nalang siyang umalis. Tinitigan ko lang ang paglakad niya.

Anong ibig sabihin nito? May gusto na ba ako sa Kanya? Wait what? Ambilis naman ata?

Hanggang hindi ko na siya nakita. Inamoy ko yung damit na binigay niya, ANG BANGO SH*T. Iuwi ko nalang ata. Hindi ko Mapigilan ang sarili ko. Baket? Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Hindi ko kinaya yung kilig ko. Nakagat ko na yung damit niya para hindi ako makasigaw ng malakas. Dibali walang tao sa hallway.

"Ahhhhhhhhhhhh" Sigaw ko. "OMG. Hindi ko ito makakalimutan." paliko nako sa hallway. "Ang sarap-" hindi ko naituloy kasi biglang May nabangga akong babae. Not Familiar. Pero kalevel ko na ito.

Bigla akong natahimik. Nakita ko kasi siya na parang na curious.

Perfect Match Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon