1

73 3 0
                                    

Ugh! Nakakaasar talaga siya. Ba't kasi ang tahimik niya? Tapos ang rare ko lang makita yung ngiti niya, at marinig ang tawa at boses niya.

Sa dalawang taon kong pagsunud-sunod sakanya, isang beses ko pa lang narinig yung boses niya. 'Yun ay nung magkakasama silang magpipinsan na naglalakad sa hall,l tinanong siya ni Luke nun. At ang sinagot lang niya ay, "Saan ba pupunta?"

Hay nako! Nakakaloka! Humiga na lang ako sa kama ko habang iniisip ang nangyari kanina.

Last year, noong una ko siyang nakita, mukha siyang bata, akala ko nga Freshmen din siya katulad ko, hindi ko akalaing Junior High na pala siya. Sa cute ba naman ng itsura niya, malamang mapagkakamalan mo talagang bata.

Parang last year lang, lagi lang akong nakatingin at nakasunod sa kanya. Puro stalking ang ginagawa ko. Pero heto ako ngayon, nasa harapan niya at handa nang umamin.

"Xavier," panimula ko, nakatingin lang siya sakin. Lunch namin kaya kinuha ko na ang chance na 'to para umamin sakanya bago pa siya grumaduate. Isang buwan at kalahati na lang kasi, ga-graduate na siya, at magiging junior na ako.

Kaya hangga't nandito pa siya, aamin na ako sakanya. Okay lang kahit wala man siyang sabihin, basta aamin ako!

"Xavier, last year, nung una kitang nakita, sinasabi ko nang nakuha mo na talaga ang atensiyon ko. Pero 'wag ka munang ma-flattered ha, tatapusin ko muna ang sasabihin ko."

"Simula nun, sinundan na kita, lagi akong nakasunod sa'yo sa kung saan ka man magpunta. Hindi ko talaga alam ang tumama sa akin at ginawa ko 'yun, pero gusto kita." Taimtim lang siyang nakatingin sakin habang nagsasalita ako.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon