10

18 2 0
                                    

Kumuha ako ng tatlong juice sa lamesa at naglakad na pabalik sa pwesto namin nang biglang may tumawag sakin. "Vanna! Sinong kasama mo?" Tanong ni Audrey na may iniinom atang alcohol.

"Si Serene at yung pinsan ko." Sagot ko sakanya.

"Si Serene? Paano siya nakasama dito?" Nagkibit-balikat na lang ako dahil pati ako ay hindi ko alam. Best friend ko si Serene pero mas matanda ako sakanya ng 5 years. Nang tinanong ko sakanya kung pano siya nakalabas ng bahay ay sinabi niyang nag-paalam siya sa magulang niya.

"Naku, yung batang yun. Lagot siya kapag nakita siya ng mga Kuya niya dito- ay hindi! Lagot siya dahil makikita talaga siya." Ewan ko nga ba dun sa batang yun, sobrang protective ng mga Kuya, ayaw palabasin kapag nag-7 na. Sobrang oa lang!

Habang nagkakasiyahan ang lahat ay biglang tumuntong sa stage si Chance.

"We'll be starting a game. This game is called Do what you dare. Simple lang siya, bubunot kami ng tig-isang pangalan sa box ng mga boys at box ng mga girls. Then, bubunot ang isa sa kanila ng dare, kapag hindi nila ginawa, hindi pwedeng hindi gawin." Pag-eexplain niya. Ang pagkakaalam ko, minsan mahirap talaga gawin yung mga dare kasi si Chace ang gumagawa nun, at puro katalinuhan at kalokohan ang ginagamit niya.

Bumunot siya dun sa box sa kanan niya at inannounce ang pangalang nabunot niya. "Bro, Joe Rendisan." Marami ang naghiyawan nang umakyat si Joe sa stage. The pervert he is.

Sunod, bumunot naman si Chance sa kaliwang box, "Wensley Kang." Nakangiting siyang umakyat ng stage habang kinakantyawan siya ng mga kaibigan niya. Sa mga ngiti niya mukhang hindi naman ata siya affected, pero nang tiningnan ko si Joe. Dinaig pa niya ang pagkapula ng kamatis, si Wensley kasi ay girlfriend ng kuya niya, kaya ayan.

Si Joe ang bumunot para sa dare, binigay niya kay Chance yung papel at bigla naman siyang natawa. "Party cleaner, maiiwan kayo dito para maglinis ng party. Party ends at 1!" Hiyaw niya sa mic. Nakakaloko tong party na to, at least hindi siya katulad ng ibang party, eto may thrill.

Nang makalipas ang ilang saglit ay bumunot uli siya. Ngumisi siya ng makita ang pangalan, "Wala 'tong daya ha. Troy Zander Eldridge."

Umakyat ng stage si Troy na hila-hila ni Chace at Serrin. Siya ang pinabunot ni Chance para sa makakasama niyang gumawa nung dare. At talagang nabigla ako ng banggitin ni Chance ang pangalan ko.

Why? Hindi ako ready gumawa ng dare. Bakit kasi nakakatakot yung mga dare. Baka mamaya ang maging dare namin, humawak ng tarantula. No!!!! Ayoko nga, multo nga takot ako, gagamba pa.

"Vanna! Asan ka? Wag ka nang magtago." Sabi niya sa mic habang inililibot ang paningin at hinahanap ako. Inilubog ko ang sarili ko sa kinauupuan ko para hindi niya ako makita pero ang magaling niyang kapatid na si Serene ay sumigaw at tinuro pa ako. Parehas kaming mahuhuli neto.

"Serenity!" Ang sama ng tingin ni Chance kay Serene na nginitian lang siya. Umilong siya bago ako binalingan. "Halika na, Vanna. Ipapahila kita kila Serrin."

Wala na din akong nagawa kundi tumayo at pumuntang stage. Gosh! Kinakabahan ako sa dare. Inakbayan ako ni Chace habang si Serrin ay masayang masayang bumubunot ng dare namin.

At nadagdagan pa ang kasiyahan niya ng makita niya ang dare. "Nag-sama pa ang dalawang duwag." Lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Ah!!!!! Ano ba naman kasing party to?! Bakit may padare-dare pang nalalaman?!

"Go inside the horror house." At talagang yan pa ang dare ha!!! Bakit yang dare na yan?! Bakit ako ang gagawa??? Bakit isa ding duwag ang kasama ko?! Oh, why?

"Tandaan niyo, nasa 4th floor ang exit. Hini kayo makakalabas hanggat hindi kayo pumupunta dun." Paalala ni Chance samin nang nasa harap na kami ng pinto ng horror house. Sa labas pa lang, ang creepy na! Pano pa sa loob? Ayoko talaga!!!

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon