12

21 1 0
                                    

"Serrin! Na baegopa!" Sabi ko sakanya. (I'm hungry!)

"Mae, alam kong koreana ka, okay? Pero nandito ka sa Pilipinas, kaya mag-tagalog ka, kasi hindi kita maintindihan." Naiinis niyang sabi sakin kaya tumawa na lang ako.

"Sabi ko, gutom nako. Tara! Kain tayo." Hinila ko siya sa isang stall na nagtitinda ng isaw at kung anu-ano pa. Kahit naman koreana ako, alam ko parin ang mga to.

"Alam mo, tuwing magsasalita ka ng korean, halos mabaliw na ako kakaisip kung ano ibig sabihin nun. Malay ko ba kung minumura-mura mo na ako." Iling ni Serrin habang kumakain kami.

"Tsh! Babo." Nginisian ko siya at nagpatuloy sa pagkain. Inis naman siyang tumigil sa pagkain at dinuro-duro ako.

"Lagi mo na lang ako sinasabihan ng babo! Anong babo? Lababo? Tss. Nakakaasar yang korean words mo ha. Pag nalaman-laman ko lang ibig-sabihin niyang babo na yan, ikaw ang ilalababo ko." Hindi naman ako natakot sa sinabi niya, ano naman kung malaman niya ibig sabihin ng babo? Fool lang naman ibig sabihin nun, stupid pwede na din. Hahaha. Pero natakot ako sa sama ng tingin niya sakin.

"Hehehe. Ikaw naman, Sese, hindi ka mabiro. Tara dun tayo sa may lake, turuan mo ako mag-bike." Hinila ko siya papunta dun sa nag-paparent ng bike. Nag-rent ako ng isa, at sumakay dun, inalalayan naman ako ni Serrin.

"Dahan-dahan ka lang muna mag-pedal, aalalayan kita." Sabi niya kaya sinunod ko yung sinabi niya. Naka-ilang laglag pa ako bago ako nakapag-bike nang hindi niya ako inaalalayan.

"Upo naman tayo, ngawit na ako eh." Nauna siyang umupo dun sa bench, sumunod naman akong umupo pagkatapos kong itabi yung bike. Umupo ako sa tabi niya, bigla naman akong nagulat nang bigla niyang nilapit yung mukha niya sa may bandang tenga ko. Kahit best friend ko siya, kinikilabutan ako sa ginagawa niya ngayon. Kahit pa may gusto ako sakanya, kinikilabutan parin ako.

"Alam mo bang kanina pa may sumusunod satin." Mahina niyang bulong sakin. Hindi ah! Hindi nga halata eh. Hindi ko nga alam na nagtatago siya dun sa may halamanan sa harap ng lake.

"Malaglag sana siya dun sa lake." Bulong ko pabalik kay Sese. At nang makakuha kami ng tsempo at may kumausap sakanyang babae, ay umalis kami ni Serrin doon.

"Hi, Kuya Chance. Good Morning." Bati ko sa kapatid ni Serrin. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Nabalitaan ko kasi kay Troy na, nagkulong kahapon maghapon si Serrin, at nagmamala-prinsesa dahil nagpapadala pa ng pagkain sa kwarto niya. Eh miske ata prinsesa pumupunta pa sa hapag-kainan para kumain.

"Good Morning din, nandun si Serrin sa kwarto niya, puntahan mo na lang." Naglakad ako paakyat ng hagdan nang makasalubong ko si Serene.

"Ate Mae! Annyeonghaseyo!" Masaya niyang bati, nakakatuwa siyang mag-korean.

"Wow, ang galing mo na mag-korean. Next time, tuturuan pa kita ng madami."

"Talaga? Pag natuto na akong mag-korean, pwede ko nang makausap si-" tumigil siya sa pagsasalita at ngumiti sakin. Sayang, masasabi na niya eh. "Hahaha, sige, andun si Kuya sa kwarto niya, puntahan mo na, Ate." Sabi niya at tumakbo na pababa.

"Sese?" Tawag ko sakanya at binuksan ang pinto.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya, tumingin siya saglit sakin, at nung makita niya ako ay bigla siyang nagtalukbong.

"Asus! Nagtatampo ka na naman sakin?" Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"Oy! Nagtatampo ka ba kasi kasama ko si Kreis kahapon, ha?" Tanong ko sakanya habang sinusundot-sundot ang tagiliran niya. Mabilis siyang umiling.

"Ah, talaga? Ah sige, aalis na muna ako, may lakad kasi kami ni Kreis. Bye!" Patayo na palang ako pero hinila niya yung kamay ko kaya napaupo ulit ako. Tinanggal din niya yung kumot na ipinangtalukbong niya sa mukha niya at umupo ng maayos sa tabi ko.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon