4

38 2 0
                                    

"YAAAAAAAAAAAAAAAAAA-mmm" natigil ako sa pag-sigaw dahil tinakpan ni stranger guy yun bibig ko at dinala ako sa isang lugar kung saan kokonti ang tao.

Pumunta ako dito sa University dahil kinuha ko ang result ng entrance exam ko, hindi ko na nga muna tiningnan kasi baka maaway ko pa yung guidance counselor kung hindi man ako makapasa. Eto kasi ang dream university ko, kaya as long as wala pa ako dito, hindi muna ako magpapaka-war freak.

Kaso eto namang si stranger guy, natapunan ng something yung favorite kong dress na sinuot ko ngayon para lapitan ako ng swerte sa pagkuha ng result.

"Waaaah!!! Yung dress ko!!! Ang dumi ko na! Ang lagkit ko pa! Waaahh!! Ikaw kasi, you're not looking sa dinadaanan mo!" Sabi ko kay stanger guy. Pilit naman niya akong pinapatahimik kasi pinagtitinginan na kami nung ibang student na nadaan. Actually, kanina pa, simula nung natapunan niya ako at sumigaw ako.

"Sshh! Wag ka nang maingay, please."

"WHAT?! Ayoko! Mag-iingay ako kung gusto ko!" Sabi ko sakanya.

Lumayo ako ng konti sakanya at nag-ready nang sumigaw uli nang bigla niyq uli akong hilahin palabas ng school, papunta sa isang kotse. "Gan'to na lang. Pupunta tayo ng mall, bibili tayo ng bago mong dress. Okay?"

Umiling ako. "No! Sa tingin mo, mababayaran ng isang dress 'to? Dalawang taon ko 'tong pinag-ipunan kasi ayaw akong bigyan ng parents ko ng pambili. Pinatago ko pa nga 'to dun sa tindera sa mall." Sabi ko.

Pero ang totoo talaga, dalawang linggo ko lang 'to pinag-ipunan, at sa tiyangge ko lang nabili. Pero at least, totoo yung sa parents ko at yung sa tindera.

"Okay, fine. Babayaran ko lahat ng gusto mong bilhin. Deal?" Tumango ako sakanya at inabot ko sakanya yung pinky ko.

"Wow. Ang cute! Shaun, bilhin mo 'yon." Sabi ko habang nakaturo dun sa stuffed toy na pusa na halos kasing laki ko na.

"Tss. Wala ka talagang galang. Tawagin mo kaya akong Kuya. Mas matanda parin ako sa'yo ng isang taon."

"Ayoko!" Sabi ko at nag-pout. Si Luey nga minsan ko lang tawaging Kuya, siya pa kaya.

"Brat." Sabi niya bago pumasok dun sa shop at binili yung stuffed toy.

Ang yaman pala talaga ni Shaun. Shaun Jerome Eldridge. Apelyido pa lang, pang mayaman na. At ang bait pa niya, as in pumayag talaga siya na bilhin lahat ng ituro ko.

Una naming binili ay yung dress na suot ko ngayon, pink polkadots. Tapos, sabi ko dapat match din yung sapatos sa dress kaya bumili din kami sa isang shoe boutique.

Tapos pinabili ko sakanya yung gold bracelet na may pendant na pink heart. Pumunta din kami sa gadget store at pinabili ko sakanya yung pinakalatest na ipad at iphone. Then, inaya ko naman siya sa Victoria's Secret, Etude House at sa lahat ng shops na nagbebenta ng beauty products. Tapos bumili din kami syempre ng pagkain. Baka magutom si Shaun eh.

Inisip ko nga kanina, hindi kaya mamulubi si Shaun dahil sakin? Pero, nevermind! Sabi niya bibilhin niya lahat ng gusto ko eh. So spend it while it lasts.

"Sha, umuwi na tayo. Mukhang uulan eh, baka matraffic pa tayo. Ihahatid na kita sainyo." Sabi niya nang lumabas siya dun sa shop dala yung stuffed toy.

"Luella Mendoza, asan ka na ba? Kanina pa galit si Mommy kasi wala ka pa." Bulong na sagot ni Luey nang tinawagan ko siya. Sabi kasi ni Shaun mukhang imposibleng makauwi kami ngayon dahil sa lakas ng ulan, mukhang may paparating daw na bagyo. Kaya sabi niya, tumawag daw ako sa amin, para ipaalam na baka hindi ako makauwi.

"Luey, hindi ako makakauwi, sobrang lakas na ng ulan tapos traffic pa."

"Ashanti Luella! Asan ka na bang babae ka?! Gabing-gabi na at may paparating pang bagyo!" Galit na galit na talaga si Mommy. Pero nag-paliwanag naman ako sakanya.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon