8

19 2 0
                                    

"Last customer bago tayo mag-close. Gwen, i-serve mo sa table 3." Sabi sakin ni Audrey, kasamahan ko siya sa pagtatrabaho sa isang coffee shop dito sa Baguio. Kinuha ko yung order at pumunta sa table three.

"Enjoy your coffee, Sir." Ipinatong ko sa table niya ang order niya. At bigla naman akong nagulat nang lumingon siya sa akin.

"Gwen, umuwi ka na, please." Pagmamaka-awa niya sa akin. Pano niya nalamang nandito ako?

Lumingon ako kay Audrey na nakatingin din sa akin. Sinenyasan ko siya at lumapit naman siya. "Sorry Sir, pero mag-coclose na po kami ng shop." Sabi ni Audrey saka ako hinila palayo. Liningon ko siya, at nakita ko siyang nagbuntung-hininga bago tumayo at umalis.

"Audrey, kailangan kong umalis."

"Ha? Saan ka naman pupunta? Teka, may pera ka ba? Gusto mo pahiramin kita?" Umiling ako sakanya.

"Wag na. Kaya ko na sarili ko, basta, wag na wag mong sasabihin kahut kanino kung saan ako pupunta ha?"

"Pano ko sasabihin, eh ni ako hindi ko alam." Sabi niya at umirap pa.

Nginitian ko siya saka ko siya niyakap. "Itetext na lang kita, okay?"

Pag-labas ko ng coffee shop, ay may nakita akong isang box na nakalagay sa harapan ng pinto. Kinuha ko ito at nakitang nakalagay dun ang pangalan ko.

Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa basurahan. Paniguradong galing yun sakanya, pipilitin lang niya akong umuwi. Nang maitapon ko na ang box ay bigla may nagsalita.

"Oh, bakit mo tinapon? Mukhang mahalaga pa naman." Nilingon ko yung nagsalita, isang lalaking over sa tangkad, puwedeng siyang itabi sa mga pine trees dito. Nakangiti siya sa akin, grabe lang yung ngiti, umaabot na sa tenga niyang over din sa laki.

"Mukha lang mahalaga, pero hindi." Sabi ko, naglakad ako at nilagpasan ko siya.

Bigla naman niya akong hinabol at inabot ang kamay ko. Nilagay niya sa kamay ko yung box na tinapon ko kanina. Kinuha niya yun sa basurahan? Ew lang.

"Bakit mo kinuha? Tinapon ko na nga diba?" Nakakainis siya ha, sobrang pakielamero!

Nginitian niya ulit ako, saka nagsalita, "Basta. Wag mo yang itatapon." Sabi niya. Bago niya ako iwan dun at umalis ay ngumiti na naman siya sakin, yung ngiu na naman niyang aabot sa tenga niya.

Nakakainis siya pero na-cucurious ako sa pagka-weird niya. Bigla naman akong nilamig. Brrr! Weird talaga!

"Thanks, Darryl." Sabi ko habang kinukuha ang mga gamit ko sa kotse niya. Nakapag-desisyon akong sa Pampanga pumunta. Bukod sa malayo, sigurado akong hindi niya malalaman na nandito ako.

"No prob. Basta mag-text ka kapag may kailangan ka pa ha." Nginitian ko siya. Naglakad na ako papunta sa apartment na tutuluyan ko. Pero nang makadating ako dun, hindi naman siya mukhang apartment, parang isang bungalow type. Simple lang pero maganda.

Nakita kong may lumabas na isang matandang babae kay dumiretso ako, siya siguro yung kausap ko. "Ikaw si Gwen?" Tanong niya sakin kaya tumango ako.

"Eto ang susi, sa katapusan ka na lang magbayad." Sabi niya sakin, ngumiti at umalis na.

Maganda talaga ang surroundings dito, hindi tahimik pero hindi din maingay. Napapaligiran din ng mga kainan kaya hindi ako mahihirapan maghanap ng makakainan. At malapit lang din sa air base.

After kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas uli ako. Maghahanap ako ng trabaho. Malaki-laki pa naman yung dala kong ipon, pero iba parin ang may trabaho. Be practical, iba ang buhay ngayon, mamaya mamalayan mo na lang wala nang natitira sayo.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon