2

34 2 0
                                    

deerlyeyes:
So, can we meet?

Omg! Kinakabahan ako, papayag ba ako o hindi? Gusto ko naman siyang makilala eh, kaso natatakot ako.

Sa gan'tong paraan kasi kami nagkakilala ng ex ko. Nakipagkita ako, naging friends into lovers, and in the end, iniwan din ako.

Natatakot ako na ganun din siya, na mangyari uli yung nangyari dati. Pero siguro naman hindi mauulit yun. Sana.

Kaso natatakot talaga ako.

strawberryjam:
Hindi ko alam. Pag-iisipan ko. :)

deerlyeyes:
Okay, take your time. Hope it is a yes. :)

Gusto ko munang pag-isipan kasi para namang hindi siya masamang tao. Siguro okay lang naman na mameet siya. Pero, basta! Pag-iisipan ko muna.

"Oy, Joan! Sino ba kasi 'yang ka-chat mo?" Pakikiusyoso ni Iya. Nandito kasi kaming mag-kakaibigan sa field, recess kasi kaya paniguradong maraming tao sa canteen.

"Wala, si deer lang." Sagot ko.

"Oh? Anong sabi?" Tanong naman ni Alexa habang nilalantakan ang fries niya. "Gusto niyang makipagkita." Laglag-balikat kong sabi.

"Jocel Adrian! Gosh, maloloka ako sayo! Makipagkita ka, as if namang may mawawala, makikipagkita ka lang naman ah."

"Okay, fine." Sabi ko na lang para matigil siya sa pagsesermon sakin.

"Oh, Joan, si Luis. Ex-crush mo." Natatawang-sabi ni Alexa at tinuro ang direksyon kung nasan si Luis kasama ang girlfriend.

Tinitigan naming tatlo si Luis at ang kanyang girlfriend na nag-aaway sa gitna ng field.

"Hahaha, para lang silang tanga. Sa gitna pa talaga ng field nag-aaway." Sabi ni Iya habang tawa kami ng tawa.

"Gosh, I can't believe na naging crush mo siya, Joan! Oh, ayan na ang present crush mo." Natatawa parin si Alexa.

Napatingin naman ako kay Luke na tumatakbo sa gitna ng field dahil naglalaro sila ng soccer.

Hay. It feels so good na panuodin siyang naglalaro. Ang cool niya kasing tumakbo, para siyang nasa langit, para siyang lumulutang.

Gusto kong maranasan yung ganung feeling, yung para kang nakalutang. Floating so heavenly.

Kinabukasan, na-late akong gumising kaya eto ako ngayon, nagmamadali sa paglalakad papuntang classroom nang biglang may sumabay sa mabilisan kong paglalakad.

"Oh, Adrian? Akalain mo nga naman, pinagtatagpo talaga tayo." Tss. Bakit kung kailan late ako, saka pinapakita sakin 'tong si Lucifer?!

"Alam mo, Lucas, wala akong oras para sa kalokohan mo. Wag ngayon, okay?"

"Ha? Ah gusto lang naman kitang tanungin. Sa grand ball, pwede ba kitang maging date?"

Hay, nakakainis! One week na simula nung nakasabay ko si Lucas at tinanong niya ako kung pwede ba niya ako maging date sa grand ball. Three weeks na lang bago mag-grand ball at three days na lang bago ang examination namin.

Hindi naman ako makapag-review kasi ang daming bumabagabag sakin. Si Lucas, bakit niya ako inaya sa grand ball? Tapos nung isang araw narinig ko break na daw si Luis at yung girlfriend niya. Hindi ko alam kung bakit ko pinoproblema yun pero kahit anong pilit kong alaisin siya sa utak ko, babalik at babalik parin siya.

Tapos si Luke naman nakita ko kahapon ng umaga na nag-jojogging nq may kasamang babae. Parehas kasi kaming nakatira sa SM Town kaya nakikita ko siya.

Tapos si deerlyeyes lagi kobg nakakachat, pero nung isang gabi may sinabi siya sakin na hindi ko malimutan. At pagkatapos ng chat namin na yun, hindi pa uli siya nag-chachat.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon