7

23 2 0
                                    

"Ibalik mo nga sakin yan!" Bwisit na Chace to! Tumalon-talon pa ako para abutin ko yung cellphone ko sakanya pero itinulak lang niya ulo ko kaya napalayo ako sakanya.

Nakita ko namang parang may pinindot siya at tinapat sa tenga niya yung cellphone ko. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?!

"Hoy! Sino yang-" tinapat niya yung isang niyang daliri sa labi ko kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Hello, Tita Sabrina?" Waah? Tinawagan niya si Mommy?!

"Opo, si Chace nga po ito." Ano bang balak nito?

"Pwede po bang sumama sakin si Andrea sa Ilocos? Magbabakasyon po kasi kami dun ng isang linggo." Malamang sa malamang, papayag si Mommy, yan pa! Eh nung isang araw lang, pinapalayas ako ni Mommy at Daddy aa bahay. Magbakasyon daw ako kahit tatlong araw, para wala daw sakit sa ulo sa bahay.

Idagdag pa si Anna at si Ark, sigurado akong magtatatalon yun sa tuwa.

"Talaga po? Sige po, aalagaan ko siyang mabuti. Bye, Tita!" At masayang masaya niyang iniabot sakin ang cellphone ko.

"Bakit mo ginawa yun?" Inis kong tanong sakanya.

"Ayaw mo, edi pinagpaalam kita." Nakangiti niyang sagot sakin. Nakakangiti pa talaga siya ngayon! Kainis talaga to, parang hindi man lang niya pinapansin na inis ako sa ginawa niya.

"Ayaw ko, hindi ayaw ng magulang ko." Lalong kumukulo ang dugo ko. Actually, kanina pa niya ako kinukulit na sumama sa Ilocos, pero ayoko.

Una, dahil malayo. Pangalawa, mainit. At pangatlo, malayo at mainit.

"Wala ka nang magagawa. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." Nang-aasar pa ang mukha niya habang sinasabi niya yan sakin. Bwisit talaga!

Agad namang tumigil sa harap namin ang isang van, binuksan niya ang pinto at pinasakay ako.

"Bakit mo ba ako sinama?" Bagot na bagot kong tanong kay Chace.

"Uhm.. kasi nga magbabakasyon kami, at sabi ni Mama samin, isama namin ang mga girlfriend namin." Nung sinabi niya yun, pansin kong napatingin sa salamin yung driver nila. Weird.

"Hindi mo naman ako girlfriend."

"O! Kaya naman daw kaibigan, ganun! Ikaw, umiimik ka na kagad, eh di pa ako tapos magsalita. Oy, Andrea, bad yang sumabat ha." Sabi niya saka umiling.

"Isasama ni Kuya Shaun, yung dinidate niya tapos isasama naman ni Kreis.. yung.. kung sino mang mahagilap nun." Dagdag pa niya.

"Eh nasan mga kapatid mo?" Nacurious lang ako. Kami lang kasing dalawa dito sa van, isama mo na yung driver.

"Dadaanan natin sa bahay, sila Mama naman nauna na dun." Tss. Hindi ko naman tinanong kung nasan ang Mama niya.

"Eh pano yung damit ko? Yung mga gagamitin ko?" Ayoko talagang sumama! Ba't kasi ako pa ang napili nitong isama? Ni hindi nga kami friends eh.

"Papunta na." Bigla namang umikli yung sagot niya.

"Saan?"

"Sa bahay, alangang sa Ilocos?" At talagang namilosopo pa! Iniripan ko na lang siya at tumahimik na lang.

"Ang bagal naman." Reklamo ni Chace nang papasok na ako ng van. Nagstop-over kasi kami sa isang convenience store at ako ang nautusang bumili. Dapat talaga, si Kreis ang bibili, pero etong si Chace na walang ginawa sa loob ng ilang oras na biyahe kun'di ang dumaldal ng dumaldal, magsalita ng magsalita kahit wala namang kumakausap sa kanya, ay sinabing nag-volunteer 'daw' ako na ako na ang bibili.

Leche talaga! Ang init-init pa naman. Inirapan ko siya saka umupo sa pwesto ko. Inabot ko naman sakanila yung mga pinabili nila at etong si Chace, nagreklamo na naman.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon