Page 10

44 7 0
                                    

Dear Diary,

             Late na akong nakauwi kasi natagalan kami dun sa studio. Sasali na ako sa next practice kasi magpeperform daw kami sa susunod. Kinabahan tuloy ako. And guess what? Wala kaming pansinan ng bestfriend kong asungot.

Dahan-dahan akong pumasok. And guess what ulit? Nanonood lang naman si Knight ng porn. Joke. Cartoons. Isip bata pala ang unggoy. Di ko nalang siya pinansin at umakyat sa taas. Napahinto naman ako nang bigla siyang nagsalita.

"Bakit ngayon ka lang?" Nilingon ko siya. Nakatingin lang siya ng diretso sa tv. Wow. Tatay lang ang peg? Gaya nung sa mga palabas na naghihintay yung tatay/nanay sa sala na umuwi anak nila.

Umiling lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Akala niya nakalimutan ko yung sinabi niya kanina? Nuh-uh. Bahala siya.

"Kinakausap kita." Ayan na naman yung mala-tatay niyang boses. Duh? Hinarap ko siya.

"Ha? Sorry, di kasi ako nakikipag-usap sa unggoy." Simpleng sagot ko at pumasok na sa kwarto ko. Akala niya siya lang marunong? Nagkakamali siya. Syempre, di ako magpapatalo.

Narinig ko nalang yung padabog niyang pagsara ng pinto. Nireregla ata yung bakla. Nako. Baka magwala yan mamaya.

Humiga ako sa kama. Grabe. Sobrang pagod ako. Buti nalang pala walang pasok bukas. Mahaba yung oras ko para matulog. Tsaka wala kaming session ni Knight bukas. Rest day ko eh.

Inabot ko ang cellphone ko at nagcheck ng updates sa facebook. Kaso nabadtrip lang ako sa bumungad sakin.

Knight Lincoln
10 minutes ago

To all my friends, I'm sorry for the wrong info that's on trend now. I'm not a homosexual and someone invaded my privacy. Obviously, my account has been hacked. I'm going to kill that person if ever we meet. Please stop judging and messaging me.

444 likes • 819 comments • 308 shares

Wow just wow. Nakita niya na pala. Fame naman ni koya. 10 minutes pa lang, dumog na. Maglolog out na sana ako ng biglang magchat ang beast. Ano na namang problema nito?

Ugliest Beast
I know you're the one who posted that. Andami tuloy nagchachat saking mga lalaki. Lagot ka sakin, bukas.

Heavenleigh Urschel
Sinong tinatakot mo? Bye.

Pagkatapos kong magreply, binlock ko siya sa messenger. Talino ko diba? Ibblock ko pa siya sa facebook eh nasa ilalim lang naman siya. Atleast hindi niya ako makakausap kahit sa fb man lang.

---- b e y o u r s e l f

People are here to judge in any way
Whether you're a girl, boy, lesbian or gay
You don't have to be bothered by what they say
All that matters is you're true to yourself

Pinost ko na yung status ko then naglog out na. Simpleng patama lang. Ahe. Matutulog na nga ako. Sobrang stressed ko ngayong araw. I bid Queen good night and went to sleep.

***

Umaga na naman. Bagong araw na naman at syempre, di natin matatakasan ang katotohanan na may halimaw na natutulog sa ilalim na kwarto. Wow. Ang aga-aga yun agad naisip ko.

Naghilamos ako at nagtoothbrush. Pagkatapos ng morning routines ko, kinuha ko si Queen at yung ballpen ko saka bumaba. Syempre, tulog pa yung isa kaya mas safe lumabas ng ganitong oras. Late kasi yun nagigising.

My Life Through My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon