X----

398 9 0
                                    

Excited akong pumunta sa school ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Excited akong pumunta sa school ngayon. Makikita ko kasi yung lalaking unang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko naman siya ganun kakilala pero nagustuhan ko kaagad siya. Nihindi ko nga alam ang buong pangalan niya. May dala akong marshmallows. Balak ko 'tong ibigay sa kanya.

Pagdating ko sa aming paaralan, hinanap agad ng aking mga mata ang lalaking kinasasabikan kong makita. At sa wakas, nakita ko siya. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Bigla naman akong kinabahan. Syempre, madami sila tsaka natatakot ako na baka mapahiya lang ako at hindi niya pansinin. Hays. Pero sayang naman itong dala ko kung hindi ko ito mabibigay sa kanya. Bahala na, ngayon lang naman ito mangyayari. Pagkatapos nito ay hindi na ako magpapakita pa sa kanya.

Naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya at ng mga kaibigan niya. Naging mabagal ang aking paglalakad dahil nanginginig ang aking mga tuhod. Pumikit ako at huminga ng malalim. Hindi ko namalayan na may humablot pala sa marshmallow na dala ko at tinulak ako. Masakit...

Naiiyak na ako pero hindi ko hinayaang kunin nila ang pagkaing hindi naman para sa kanila. Hinabol ko ang mga estudyante na tumulak sa akin kanina. Nagtawanan sila bago tumingin sa akin. Nag-ipon ako ng lakas ng loob saka sila hinarap.

"Ibalik ninyo sa akin yan. Hindi naman yan para sa inyo. Hindi ba kayo tinuruan ng magulang niyo ng mabuting asal? Akin na iyan. Bukas ko nalang kayo bibigyan." Kalmadong saad ko sa kanila at sinubukang kunin ang mallows ngunit pinagtawanan lamang nila ako. Hinawakan ako ng isang lalaki sa kwelyo. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nasa ikalimang baitang pa lang kami ngunit napakabayolente ng mga estudyante.

Itunulak niya ako at bumagsak ang aking pwet sa sahig. Sinabunutan naman ako ng isang kasama niya. Gulo-gulo na ang aking buhok. Tumayo ako at nagmakaawa pero tinulak nila ako ng pagkalakas-lakas na naging dahilan ng aking pagbagsak. Nagtamo ako ng mga sugat sa tuhod at binti. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Sobrang sakit. Ganito ba talaga ang mga tao? Kung iniisip nila na ang pananakit ng iba ay nakakatuwa, mali sila. Kahit kailan hindi iyon nakakatuwa. Ang damdamin ng isang tao ay mahalaga at kailangan mo itong isipin at isaalang-alang bago ka gumawa ng isang desisyon.

"Oh ayan na lampa! Hindi namin kailangan 'yang pagkain mong gaya mong basura! Tara na." Nagsimula na silang maglakad palayo habang naiwan akong nakaupo sa sahig habang umiiyak. Pinunasan ko ang aking mga luha at pinulot ang marshmallows. Binalewala ko na lamang ang mga sugat kong patuloy pa ring dumudugo. Tumingin ako sa direksyon ng crush ko. Andun pa rin sila sa kanilang pwesto. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan.

Nakangiti akong tumingin sa dala ko, "Tara na." Inayos ko ang sarili at naglakad ulit papunta sa kanya. Napakagat ako sa aking labi dahil sa sobrang kaba, "Kaya mo 'to. Ngayon lang naman ito mangyayari." Sabi ko sa aking sarili para magkaroon ako ng lakas ng loob.

Nang marating ko ang kanilang kinaroroonan, napatingin ang isa niyang kasama at ngumiti ako. Agad naman niya itong kinalabit na naging sanhi upang mapatingin siya sa akin. Nakangiti pa rin ako kahit napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Marahil ay nagulat lamang siya sa aking ginawang paglapit.

My Life Through My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon