01. Lacuna

9 1 0
                                    

Habang nakatayo sa maalikabok na kalsada at direktang tinatamaan ng kulay kahel na ilaw mula sa bagong sikat na araw, hindi ko mapigilan na mag-isip ng malalim.

Ano na ang susunod? Anong ng mangyayari sa akin? Paano na ako mabubuhay mula ngayon? Paano na bukas at sa susunod pang mga bukas? Biglang nagkaroon ng malaking pader sa aking buhay.

Sa totoo lang natatakot ako. Siguro lahat naman ng tao na nasa sitwasyon ko matatakot dahil 'di na alam ang gagawin at hindi sigurado kung meron bang magandang kinabukasan ang naghihintay. Pero kailangan kong magpatuloy kung hindi matatapos na dito ang buhay ko.

Sa tagal kong nakatayo sa kalsada nabalutan na ng alikabok ang aking lumang sapatos, ayoko sa madumi pero natatakot pa akong pumasok sa loob ng gusali na nasa aking harapan. Dahil kapag pumasok ako... Kailangan ko nang tanggapin na iba na ang buhay ko ngayon kumpara noon.

Tumingala ako at pinagmasdan ang gusali saka ko rin napansin na dumilim na ang kalangitan. Pinasadahan ko ng tingin ang kwadradong hugis nito maging ang mga bintana sa bawat palapag. Inisa-isang binilang ang mga kwarto.

Limang palapag ang gusali at meron sampung kwarto bawat palapag at halatang napakaluma na pero mukhang maayos naman para sa sobrang babang presyo ng bayad sa upa.

Napapaligiran ng kinakalawang na barb wire ang bakuran nito at may ilan ding mga ligaw na halaman na bumagay at lalong nagpalungkot sa lugar. Hindi na nag-abala ang may-ari na alagaan ang gusali at pinabayaan nalang ito dahil alam niya na kahit ano ang estado ng gusali meron mga tulad kong desperada na tatanggapin kahit ano para lamang mabuhay.

Tinitigan ko ang kupas na karatula sa tarangkahan na may nakasulat na malaking "APARTMENT FOR RENT" at ilan detalye tulad ng contact number ng may-ari. 

Pumasok ka na, bulong ko sa aking sarili dahil nagbabadya nang tumulo ang ulan.

Huwag mo nang gawing mas nakaaawa ang sarili mo, Dagdag ko pa.

Halos hindi ko na maihakbang ang aking mga paa sa tagal ng aking pagtayo sa p'westo. Pagkarating sa harap ng tarangkahan ay hindi ko mapigilan lumingon sa aking kinatatayuan. Mula roon ay mayroon naiwan na dalawang hugis sapatos. Ang natatanging lugar na hindi pa nababalutan ng alikabok subalit agad din nabura noong humangin ng malakas.

Napabuntong hininga nalang ako at sinubukan na buhatin lahat ng aking gamit papasok sa gusali,

LacunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon