Dumating ang umaga na hindi ko pa nagagalaw ang mga gamit na aking dala. Pagpatak ng alas sais ng umaga sunod-sunod na katok na narinig sa aking pintuan mahina lamang ito at halatang nagdadalawang isip ang tao.
Habang bitbit ang tuwalya at ilan gamit panligo nilapitan ko ang pintuan saka bahagyang tumingin sa silipan. Wala akong nakita na kahit isang anino doon. Ilan minuto rin akong naghintay at hindi na nasundan pa ang huling katok.
Sigurado ako na hindi lamang iyon isang guni-guni. Kaya nagsimula akong matakot bumagsak ang maraming katanungan at posibilidad sa aking isip. Hindi ko namalayan na nanginginig na ang aking kamay na nakahawak sa doorknob.
Paano kung nasundan niya ako? Halos matumba na ako sa aking naisip.
Hindi. Hindi. Hindi. Hindi. Hindi
Siniguro ko na hindi niya ako masusundan. Impossible na masundan niya pa ako sa ganito kalayong distansya at siniguro ko na nasa ibang bansa siya noong oras na umalis ako...
Pero paano kung hindi siya natuloy? Paano kung nalaman niya ng maaga na wala ako...
Hindi. Hindi. Hindi .Hindi. Hindi
Hindi na ako makapag-isip ng matino dahil tuluyan nang nilamon ng takot at kaba ang aking sistema.
Tinitigan ko lamang ang doorknob habang ang tinutop ang aking labi pinipigilan na umiyak. At dumating nga ang ilan pang magkakasunod na katok.
"buksan mo na ang pintuan Maeve kung ayaw mong magalit ako sayo. Alam mo naman kung anong kaya kong gawin kapag galit ako hindi ba?" nais kong isagaw sakanya na itigil ang pagtawag sa aking pangalan, na huwag niyang mabanggit-banggit ang pangalan na binigay sa akin ni Ina!
subalit hindi ko mahanap ang akig boses maging lakas ng loob...
Patawad, kasalanan ko...
"Hindi ako galit basta maging masunurin ka..."
Hindi ko na uulitin...
"buksan mo Maeve...buksan mo ang pintuan. Ganyan tama nga iyan buksan mo"
Third person P.O.V
Kanina pa nakatayo at pabalik-balik ang isang babae sa harap ng pintuan kung saan namamalagi ang bagong lipat sa White Cliff Wight. Bitbit niya sa kanyang kamay ang isang kumpol ng bulaklak na regalo niya sana. Halos mapunit na ang kanyang pisngi sa lawak ng kanyang ngiti dahil sa wakas ay meron na rin siyang kapitbahay na babae.
Kumatok pa siya ng ilan beses. Lumipas na ang ilan sandali nang wala parin siyang natatanggap na reaksyon. Bumagsak na ang balikat ng babae at nagsimula na siyang mawalan ng sigla.
Baka tulog pa siya... sige, babalik nalang ako mamaya. Malungkot na bulong niya sa kanyang sarili akmang aalis na siya ay narinig niya ang dahan-dahang pag-awang ng pintuan subalit wala siyang maaninag sa loob dahil sa dilim.
Hindi niya mapigilan magtaka at sumilip sa loob hanggang sa dahan-dahan niyang binaba ang kanyang mga mata. Tumambad sakanya ang isang babae na walang malay sa sahig.
Umalingawngaw ang matinis na sigaw sa buong palapag at umabot pa sa ikalawang palapag. Nabulabog ang ibang mga nangungupahan na nasa habag kainan at tumigil sa kalagitnaan ng kwentuhan. Ang ilan ay dali-daling tumakbo sa pinanggalingan ng inggay upang tignan ang ganap.
Unang nakarating ang lalaki na walang pang itaas at may twalyang nakasabit sa kanyang balikat.
"Anong meron? bakit ka sumisigaw?" tarantang tanong nito sa babae
"Buhatin mo siya at ipunta sa clinic!"
"Ano bang ginawa mo Cattleya? ang paalam mo lang aayain siya mag agahan pero ano ito?"
"Wala akong oras makipagbiruan sa'yo Casper! DALHIN MO NA SIYA SA CLINIC!" sigaw niya
Dali-daling nilapitan ni Casper ang walang malay na babae at doon napansin na sobrang putla nito at dumudugo ang ilong. Napamura siya nang tahimik noong napagtantuan na siryoso ang sitwasyon. Nilagay niya ang babae sa kanyang bisig at tumakbo papunta sa dulo ng palapag sa direksyon ng clinic.
Hindi mapigilan ni Casper na matakot dahil sa gaan at liit ng babae sa kanyang bisig at pakiramdam niya ay mababasag ito sa maling galaw. Pakiramdam niya pa ay napakalayo ng clinic kahit sa tutuusin ay napakalapit lang naman nito.
Agad niyang binaba ang babae sa kama at tinawag ang doktor. Nataranta ang Doktor sa malakas na sigaw ni Casper sa kanyang pangalan sanhi upang muntikan siyang nahulog sa kanyang upuan. Balak niya sanang pagalitan si Casper pero naagaw ng babae ang atensyon ng doktor.
Sinuri ng doktor ang babae at binuksan ang ilan butones ng damit upang mapadali ang paghinga. Natigilan ang Doktor maging si Casper sa malaking pasa sa kanyang dibdib at iba pang parte ng katawan na ngayon lang nila napansin.