Lumaki ako ng walang ama hindi dahil patay na siya o dahil nasa malayo siya. Isa lamang ako sa maraming bata na hindi tinanggap ng kanilang mga ama at tinuturing bilang isang pagkakamali. Mahal na mahal ni ama si ina pero ako hindi. Isa raw akong problema na dahilan para magkalamat ang kanilang halos perpektong relasyon pero masyado pa akong bata para maintindihan ang napakabigat na inpormasyon binato sa akin.
Kilala ko ang akin ama sa katunayan ay siya ang aking doktor. Pero hindi ko kailan man lumapit o namalimos ng pagmamahal at atensyon mula sa kanya. Dahil sa murang edad natuto akong makontento. Tinatak ko sa akin murang kaisipan ang salawikain na "matutong bumaluktot habang maikli pa ang kumot" dahil madalas iyon banggitin ng aming guro sa Filipino.
Alam ko na hindi kami tulad ng ibang normal na pamilya. Mas malaki ang problema sa loob ng aming tahanan at habang kami'y magkakasama sa iisang bubong lalo kaming nasasaktan. Hindi ko alam ang rason dahil hindi naman ako nagtatanong at alam ko na malabo rin na ibigay nila sa akin ang sagot.
Walang kaibigan at mga pinsan malapit tanging si ina lamang ang meron ako. Sakanya ko inalay ang lahat ng aking pagmamahal. Iniisip ko noon na habang meron si ina magiging masaya ako. Kakayanin ko na maging masaya. Kaya namin mabuhay ng kami lang dalawa.
Subalit nagkamali ako. Hindi pala nararapat na gawing batayan ang isang tao ng kaligayan. Dahil hindi nagtagal isang gabi sa isang normal na araw tuluyang nagiba ang aking bahagya lamang nakatayong tahanan. At namatay ang ligaya sa aking buhay.
"Pasensya na...Hindi talaga kita kayang mahalin." Iyon ang sinabi ni ina sa hapag.
Nakita ko ang pagpayapa ng kanyang mukhang tila nabunutan ng tinik na at hindi niya na kailangan magsinungaling.
Sa tagal ng panahon, iyon ang unang beses na...na...na nakita kong umaliwalas ang kanyang mukha.
Akala ko dahil kay ama ang kanyang kalungkutan...sa akin pala.
Dapat ba akong maging malungkot o masaya? Noong panahon na iyon para akong namanhid gusto ko nalang mabura o lamunin ng kadiliman.
"Sinubukan ko talaga... Pero hindi ko talaga kaya."
Kaya ko naman intindihin. Kaya sana...sana sinabi niyo na mula noong una.
Ina, kasinungalingan lang ba lahat ng pinakita mo sa akin? Matapos mo akong pakitaan ng pagmamahal malalaman ko nalang na hindi siya totoo? Anong dapat na maging reaksyon ko? Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko na alam!
Subalit hindi ako nagsalita. Nginitian ko nalang siya dahilan upang manlumo si Ina saka ako umalis para dumeretso sa aking silid.
Hindi ako umiyak. Hindi ako nagtanong. Hindi rin ako umimik. Tinanggap ko nalang ang kaya nilang ibigay tulad ng isang masunuring anak.
Pero sigurado ako na may nadurog sa loob at hindi kailan man magiging maayos.
Third Person P.O.V
Pagkabalik ni Cathelya galing sa trabaho ay napag-isipan niya na silipin saglit ang babae sa Clinic. Laking gulat nalang niya noong nakita niyang bakante ang kama.
---