(Serenity's POV)
"Hulaan mo kung sino 'to." Magiliw at malambing na turan ng taong nasa likod ko na kararating lamang. Itinakip pa niya ang dalawang palad niya sa aking mga mata.
Awtomatiko namang sumilay ang matatamis na ngiti sa aking mga labi. "Ang pangalan mo ay Joseph Monteamor. Ikaw ang boyfriend ko at tanging lalaking pinakamamahal ko."
Tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa aking mga mata at tinungo ang isa pang uguyan na katabi ng sa akin.
"The answer is definitely right." Ngingiti-ngiting sabi niya bago iniugoy ng tuluyang ang uguyan.
Kasabay ng preskong ihip ng hangin ay magkasabay rin ang pag-ugoy ng aming mga duyan.
Nasa Manila Plaza Park kami ngayon, isang pook-pasyalan na paborito naming dalawa na puntahan. Maganda ang lugar. Public place. Magaganda ang tanawin at masarap ang simoy ng hangin. Lagi kaming pumaparito dahil maliban sa nakalilibang na pasyalan ay malapit lang din ito sa aming University. Just a miles away. A walking distance.
Katatapos lang ng morning class ko at napagkasunduan namin ng dalawa na magkita rito at mamasyal. Almost one week na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil sa parehong busy kami sa aming mga school works.
"Almost one week din tayong hindi nagkita o nakalabas-labas man lang sa sobrang busy natin pareho sa mga school matters. Kumusta ka na?" Pauna ko.
"Maayos naman ako, mahal. I survived. Ngayong nakalabas na ulit tayong dalawa, masaya na rin. Ikaw, kumusta ka na?"
'Mahal' ang endearment namin ni Joseph sa isa't-isa simula nang maging kami.
"Life still goes on to me. Thank God, I can survive all the time." Tipid lang na sagot n'ya habang walang anumang lingon sa aking gawi.
"How about the team? Kumusta na kayo sa basketball?"
"Ayos lang din." Pagiging matipid pa rin niya.
Para bang nakaka-offend ang pagiging matipid n'ya ngayon. Para bang nararamdaman kong pagod s'ya ng husto sa pagiging sobrang busy sa school lately. Parang gusto kong magtampo pero gusto ko pa ring intindihin s'ya sa ngayon dahil siguro nga kailangan lang talaga niya ng pahinga.
"I missed you." Paglalambing ko.
Hinintay kong sumagot s'ya at sabihing miss na din n'ya ako ngunit nakatanaw lang s'ya sa malayo na tila walang narinig na kahit ano. Tila walang balak na tumugon. 'Ni wala ring balak lingunin ako kahit saglit man lang!
Naiinis na ako. Nakakapagtampo na kasi!
Naiintindihan ko namang baka wala lang talaga s'ya sa mood na makipag-usap ngayon dahil pagod pero tama bang kahit 'i missed you too' na lang ay hindi pa niya masabi sa akin? Eh almost one week din naman kaming hindi nagkasama!
"Joseph, may problema ba?. Alam mo kung may problema ka narito naman ako para sayo at handang makinig eh, kaya sana huwag mong sarilinin 'yan o huwag kang maging tipong sobrang tahimik kasi naninibago ako sayo." Imbes na tampo ay pag-aalala ang umapaw sa aking tono.
Sa muli, tila wala lang s'yang narinig at hindi pa din ako nililingon. Am I invisible here
"Joseph, ano ba! Nag-aalala na ako sayo at nabibingi na ako sa katahimikan mo! Wala ka man lang ba talagang balak na kausapin ako rito?" Naiinis ko na talagang sabi.
Ilang sandali pa lumingon na din s'ya dito sa gawi ko pero hindi pa din nagsasalita. Expressionless ang itsura but I could see it in his eyes that there's something wrong, na para bang may pangamba roon.
BINABASA MO ANG
Long and Lasting Love (Completed)
RomanceJoseph and Serenity were college sweethearts. Buong pusong minahal ni Serenity ang binata nang nasa kolehiyo sila, ang buong akala niya'y minahal din siya nito kagaya ng pagmamahal niya ngunit akala lang pala ang lahat. Hindi pala siya nagawang mah...