CHAPTER FIVE

104K 1.4K 34
                                    

(Serenity's POV)

"It's not what you think, Wayne, okay? I'm here because Mr. Monteamor is my latest client, a buyer of my books. Kagagaling ko lang ng office n'ya because we had a discussion about business matters, at hanggang doon lang iyon. Nothing more, nothing less. Anyway, last week lang din ako nakabalik dito sa Pinas." Paliwanag ko.

"Glad to hear that. Akala ko kasi bumigay ka na naman ulit. Well, I'm happy to see you again here pagkatapos ng almost nine years mong pamamalagi sa New York. Anyways, kumusta ka naman?"

"Hindi na 'no. Haha, natuto na ako. Maayos naman ako. Ikaw, kumusta ka din?" Tanong ko na sa unang bahagi ng sinabi ay may bahid ng kasinungalingan.

Ever since, close naman talaga kami nitong si Wayne. Masasabi ko nga rin na itinuring ko rin s'yang isa talaga sa mga totoong naging bestfriend ko noong kabataan namin.

Naalala ko tuloy kung paano kami noon unang nagkakilala ng isang 'yan...

-ST. CLAIRE UNIVERSITY- 

May isang oras akong bakante sa klase ko ngayon. Hindi ako sigurado kung pupunta ako ng library kasi parang wala rin ako sa mood.

Nandito ako sa ground ngayon at nakaupo mag-isa sa isang bench. Naalala ko na naman yung insidenteng nangyari noong isang araw. Yung hindi sinasadyang nabangga ko si Joseph sa locker room at hinalikan nya ako for a compensation!

Parang nakakainis na nakakainsulto lang! Dahil lang sa nabangga ko s'ya at popular s'ya dito sa school kung kaya't pwede na lamang n'yang gawin ang mga gusto niyang gawin sa mga schoolmates n'yang mga babae? Ganun na lamang ba iyon!

Hay!

Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang crush ko pa naman sana si Joseph Monteamor eh, at halos isang taon na rin akong lihim na humahanga sa kanya. Hindi tulad ng ibang mga babaeng lantarang magpahayag ng kanilang damdamin sa huli, ako naman ay pasimple at patago lamang kung humanga. Patingin-tingin lang sa kanya kapag nakikita ko s'ya sa malayo.

Pero dahil sa ginawa nya, wala na! Na-turned off na ako sa kanya! Ayoko na sa kanya.

"Kung pwede ko lang hilingin na ako na lang sana ang dahilan ng malalim na pag-iisip ngayon ng isang napakagandang babaeng tulad mo.. "

Napatingala ako sa lalaking nagsalita. Nakangiti s'ya sa akin at maamo ang mukha n'ya. Parang ang bait-bait n'ya, itsura at ngiti pa lang.

"Pwedeng makiupo?" Nakangiti pa ring tanong n'ya.

Hindi pa ako nakakasagot ay naupo na nga sya sa tabi ko. Ako naman ay pinagmamasdan lang s'ya. Sa panahon ngayon ay mayroon pa rin palang natitirang lalaking may itsura na napakaamo at mukhang kay bait na tulad n'ya.

"I'm Wayne Martinez. Transferee ako dito sa St. Claire and I am a second year Engineering student. Ikaw, Miss?" Sabi niya sabay lahad ng isang kamay para makipag-shake hands.

Kung makitungo s'ya sa akin para bang matagal ko na s'yang kaibigan gayong ngayon ko pa nga lamang s'ya nakita.

Tinignan ko lang ang kamay n'yang nakataas. Nag-aalinlangan ako kung tatanggapin ko ito o hindi. Nang akmang ibababa na sana n'ya dahil parang wala naman akong planong abutin iyon ay doon ko pa iyon tinanggap.

"Serenity Manrique. Freshmen BSED-English." Nag-aalinlangan ko pang pagpapakilala.

"Your name suits you. Ang ganda." Puri pa niya.

Binawi ko na ang kamay ko.

"Since transferee ako rito at ikaw pa lang ang una kong nilapitan at nakilala, Ms. Serenity. Pwede bang maging kaibigan kita?"

Long and Lasting Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon