New Story :-)

87.9K 841 47
                                    

This is dedicated sa lahat ng mga readers kong matiyagang nag-abang sa LOLL story ko. This is an another story, sana magustuhan niyo rin  mjvelasc0  , shayne_aune  , lyn143445354  , jhen_0584  , rubyboteros  , ShellaMaPungkol , evelynMacaraig , kiticutie13 , keish001 , and a lot more :-) LOVE YOU, GUYS :-)

---
TITLE: Bachelor's Insanity
CHARACTERS: John and Celine

TEASER:
Mangilid-ngilid yung mga luha ko nang bumukas ang rest house ni John at iniluwa niyon silang dalawa ng kasama niyang kung sinong babae. Medyo makalat pa yung lipstick nito at inayos-ayos pa ng bahagya ang suot na dress, samantalang si John naman magulo pa yung buhok habang walang suot na damit pang-itaas. Nagtatawanan pa sila.

''John.. '' Mahinang tawag ko nang tumambad ako sa tapat ng dalawa.

Kakapalan ko na yung mukha ko dahil kasalanan ko naman kung bakit naging ganito si John. Sinaktan ko siya at niloko kaya heto at halos sirain n'ya yung buhay n'ya kakalasing at pambababae. It's all my fault.

Tiningnan lang n'ya ako na parang wala lang sa kanya yung presensya ko, samantalang yung kasama naman niyang babae mataray na tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napayuko nalang ako.

''Who is she?'' She even asked John.

He just smirked. ''Nothing's special, just one of my flings.''

Tuluyan nang naglandas ang mga luha ko. Masakit. Masakit na masakit dahil alam kong ako mismo yung naging dahilan kung bakit naging ganyan siya kagalit sa akin ngayon.

''Oh! Gano'n?. Anyways, babe, I need to go now. Magkita nalang ulit tayo bukas?'' Anang babae.

''Sure.''

Napaangat ulit ako ng tingin sa kanilang dalawa at pakiramdam ko libo-libong punyal yung sumaksak sa buong sistema ko dahil sa sakit nang mag-goodbye kiss silang dalawa sa isa't-isa. Ikinumyapit ng babae ang mga braso sa batok ni John at niyakap naman siya nito sa kanyang baywang, nagdikit ang mga katawan nila at mga labi.

While they're doing that session, matalim na nakatuon yung mga mata ni John diretso sa akin. I just looked away and wipe my tears. Ako yung naging dahilan ng lahat ng 'to kaya kailangan kong tiisin yung sakit, I want to win him back whatever happens.

Kasabay ng paghiwalay ng mga labi at katawan nila ang tuluyan namang paglaho ng babae sa paningin namin. Kumaway pa si John rito at saka tinignan ako, he just gave me a bored look then rolled his eyes.

Pumasok ulit siya sa loob ng bahay at akmang isasarado na ang pintuan nang pigilan ko siya at hawakan sa kamay.

''John, we need to talk.'' Barang-bara yung lalamunan ko.

''We have nothing to discuss, so get the fuck off me and leave my life alone!'' Madiin niyang sagot saka tinabig yung kamay kong nasa kamay niya.

''We need to talk about us! I need to explain everything to you.. ''

''You have nothing to explain. Malinaw na sa akin ang lahat, niloko mo lang ako at pinaglaruan para sa pustahan n'yo ng mga kaibigan mo. You never loved me, si Paulo ang totoong mahal mo.'' Basag na rin ang boses n'ya.

Parang pinipiga yung puso ko dahil sa sinabi niya at dahil alam kong nagpipigil nalang rin siya na huwag lumandas yung mga luha niya. Kung alam lang sana niya...

Long and Lasting Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon