CHAPTER FOUR

100K 1.5K 33
                                    

(Serenity's POV)

"How are you, Serenity?" Tanong n'ya habang hindi inaalis ang matalim na mga matang nakatutok sa akin.

Tulad noong mga college pa lang kami, ang lakas pa din ng karisma nya at masasabi kong mas gumwapo pa s'ya ngayon dahil nadagdaganan pa ang ganda ng hubog ng physical features n'ya.

He's really a damn good looking man!

Mula sa pagkakahina ko ay tumuwid pa rin ako. Iniayos ko ang sarili ko at matapang na sinagot sya. "I'm alright. Really alright." Sabay iniwas ang mga mata ko sa kanyang mga mata.

"Yeah. As I could see, you're alright." Aniya saka unti-unting inihakbang ang mga paa palapit sa akin.

Umatras ako. Hindi s'ya tumigil sa paghakbang kaya atras din ako nang atras. Damn! What will he going to do to me?! At bakit kabang-kaba ako!

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagtama ng likod ko sa wall. Then he pinned me there. Iniharang n'ya ang kanyang dalawang kamay sa gilid ko, both right and left, kaya wala akong takas. He already cornered me.

Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko.

"You're really alright. Masaya ka ba?" Seryoso ang mukha na tanong nya at walang ano mang kaexpre-expression ang makikita mula roon.

Heck! What kind of question is that and what was that for?!

I tried to meet his dark eyes but I couldn't help it. Hindi ko pa rin kayang salubungin ang matitiim n'yang mga titig na hindi ko rin alam kung ano ang ibig ipahiwatig.

"Why are you asking me that kind of question?. Wala ka nang pakialam roon." Sinusubukan ko mang patapangin ang boses ko pero hindi pa rin nito kayang maitago ang pagdaramdam ng damdamin ko.

Nabigla ako nang mas inilapit pa niya ang mukha nya sa akin. We are now almost just an inch apart and I could already feel his breathing. Amoy na amoy ko ang panlalaking perfume n'ya na mas nakakapagpadagdag pa sa kaangasan ng pagkalalaki n'ya.

"Masaya ka ba?" Muli niyang tanong, mas madiin ang bawat salita ngayon.

The heck he cares if I'm happy or not! Ano bang pakialam n'ya sa buhay ko?! May sariling buhay naman s'ya diba? kaya bakit pa n'ya ako pakikialam?!

"I almost already have everything now. All of my dreams already granted. I am famous and a very successful romance writer na namayagpag sa New York. I have a great career. I already have huge properties and money. So yes, Mr. Monteamor, I'm happy. Completely happy!" Mayabang na sagot ko.

Bagaman, alam ko sa sarili kong hindi iyon totoo. Dahil kahit na successful na ako sa career ko at naabot ko na nga ang mga pangarap ko, hindi pa rin ako masaya. Oo, masasabi kong masaya ako sa mga achievements ko pero ramdam ko pa ring may malaking puwang pa rin sa puso ko na may nangingibabaw pa ring kalungkutan.

"Okay. Let's proceed to the main agendum then." Sabi n'ya saka lumayo na sa akin.

Nakahinga rin ako sa wakas ng maluwag.

Pero mayroon akong napansing reaksyon sa mga mata niya sa huli kong mga sinabi. It seems like loneliness? Parang malungkot yata ito.

Nakapagtataka ngunit agad ko din namang iniiling ang ulo ko. Hindi, imposible iyon. Kahit kailan walang puwang rito ang kalungkutan lalo't kung dahil sa akin. Walang dahilan para maging malungkot s'ya nang dahil sa akin kasi alam kong 'ni minsan hindi naman n'ya ako minahal ng totoo...

"I still have almost one month para pag-isipan ang magiging desisyon ko for our business deal, 'di ba?" Aniya nang matapos ng mahaba naming diskusyon tungkol sa mga qualities ng mga libro'ng nai-published ko na ngayong taon na nais nitong bilhin.

Long and Lasting Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon