Mika's POV
Six weeks ago ay umalis si Kiefer papuntang Chicago,sa loob ng isang buwan ay nagtraining sila doon at dumiretso naman papuntang Japan para sa karagdagang training. They left after Christmas, kaya naman nagcelebrate na kami ng New Years Eve in advance.Ang bilis lang ng mga araw, next week ay simula na ng FIBA World Championship, excited na ako para sa kanya,matagal niya ding pinangarap ang makapaglaro at mapabilang sa mga manlalaro ng bansa.
I promise him na susunod ako sa lahat ng ipapagawa ni Doc Tere at Tita Gina. Ayaw niya kasing umalis noong una dahil gusto niya lamang manatili sa aking tabi habang nagpapagaling pa ako.
Alam kong natatakot siya na baka pagkatapos ng tatlong buwan ay wala na siyang maabutan na girlfriend dito sa Pilipinas. Ako man ay natatakot din hindi ko naman kasi alam kung kakayanin ko ang gamutan. Pero mula ng araw na nagdesisyon akong ipagpatuloy ang operasyon ay nabuo din ang loob ko na gawin ang lahat para mabuhay.
"Iha, are you okay?"Tanong ni Ninang sa akin.
Napatulala na pala ako, naiisip ko kasi si Kief.Kahapon ko pa siya hindi nakakausap. Hindi ako sanay na wala man lang kahit isang text na nanggaling mula sa kanya.
"Opo, Ninang. Happy Valentines po pala."pagbati ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.
Matatapos na ang araw na ito pero wala pa ring balita kay Kief. Natanggap ko naman ang mga bulaklak na ipinadala niya pero mas masaya siguro kung makakausap ko man lang siya.
'Happy Valentines din Iha." sabi niya at niyakap ako.
"Padala ni Kiefer?" tanong niya ng mapansin ang bouquet ng red roses na nasa tabi ko.
"Opo." sabi ko. Nagtaka pa nga ako ng dumating ang mga roses kaninang umaga. Sa loob kasi ng apat na taon ay palaging sunflower o daisies ang ibinibigay niya sa akin. Ngayon lang siya nagpadeliver ng red roses.
My heart skips a beat when I saw him calling. Siguro kakatapos lang ng training nila ngayon.
kring kring kring
Hello
(Hello Babe, Happy Valentines!)
Happy Valentines din Babe. Thank you sa flowers nagustuhan ko . Pasensiya ka na wala akong gift sayo.
(Okay lang, marinig ko lang boses mo masaya na ako.)
Hmmm,bola.Anong gusto mong gift?
(Pwede bang kiss sa lips?)
Paano?
(Hmm,)
knock knock
Habang kausap ko si Kief sa telepono ay may biglang kumatok. Nakakapagtaka naman, lagpas na ang visiting hours kaya naman nagkatinginan lang kami ni Ninang.
Si Mommy at Daddy naman ay umalis para sa romantic dinner na iniregalo ko sa kanila. Ayaw pa nga ni Mommy na iwanan ako pero napilitan sila ng sabihin ko na nahirapan ako na makapagpareserve sa nasabing restaurant.
Nagtungo naman si Tita Gina sa may pintuan upang pagbuksan ang kumakatok.
"Kief?!" gulat na tanong ko ng makita si Kiefer sa may pintuan.
"Surprise Babe!" sabi niya. Ang lapad ng mga ngiti niya habang naglalakad papalapit sa akin.Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya ngayon alam ko ay papunta na ng China ang buong team nila.