"Ikaw kasi e, basang- basa tuloy tayo." reklamo ni Mika. Naglalakad na kami pabalik ng parking lot. May curfew sa dorm nila kaya kailangan namin makabalik agad ng Taft.Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dahil kami lang yata ang naligo sa ulan.
"Ang saya naman maligo sa ulan, di ba?" I asked her. She smiled at me and nodded. Akala ko talaga kanina pangalan ko ang isisigaw niya. Well, hindi naman masamang umasa,telegenic lang kaya si Daniel. Tssss
"Ayun Kief, bili tayo ng t-shirt." sabi ni Mika at itinuro ang isang souvenir shop. Pumasok naman kami sa loob ng store at puro white shirt lang na may print na I Love Nuvali ang naroon.
"Ayaw ko ng design MIks." pahayag ko. Tiningnan naman ako ni Mika at napakuno't noo na lamang.
"Why? Maganda naman ha?" she asked me.
"Hindi naman si Nuvali ang mahal ko e." I said. Napansin ko naman na napangiti si Mika. Kinilig na naman siguro ang Babe ko.
"Hay naku,okay na to, ayaw mo non we have the same shirt,parang.." napatigil naman si Mika sa sasabihin niya.
"Couple shirt?" I said and I wiggle my eyebrows. Siyempre pinitik niya na naman ako sa noo.
"Aray Miks." pagrereklamo ko at agad na hinawakan ang parte ng noo ko na pinitik niya.
"Sorry, Ikaw naman kasi anong couple shirt? E di lahat ng tao na bibili nito ka couple natin?"
"Gusto mo ba bilhin ko lahat? Para tayong dalawa lang ang meron nito, together forever?" sabi ko at napatawa ako ng mahina. Korni na kung korni that's how I feel. Totoo yun.
"Forever?" I heard Mika whispered. Ano naman kaya ang iniisip ni Mika.Bigla kasing siyang natahimik.
"Babayaran ko lang ito Miks." pagpapaalam ko kay Mika. Pagkatapos kong bayaran ang mga t-shirt ay agad naman kaming nagpalit ng damit, giniginaw na rin kaya ako.
Habang naglalakad kami pabalik ng sasakyan ay hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga tao, ang iba naman ay kumukuha ng picture namin. Iba na talaga ang gwapo haha.I think they recognize us, televised rin naman kasi ang volleyball at magdadalawang buwan pa lang ng matapos ang basketball season. I felt Mika became uncomfortable. Likas na yata ang pagiging mahiyain niya at siguro ayaw niya rin na pag usapan sa social media ang personal life niya. Habang naglalakad ay lumayo ako ng kaunti sa kanya,sana makatulong ito para huwag ng mailang si Mika.
"Kief, bakit ang layo mo? Ikinahihiya mo ba na ako ang kasama mo?" nagulat ako sa tanong ni Mika, akala ko kasi naiilang siya na makita kami ng mga tao.
Mika's POV
"Forever" I whispered. Napatingin naman ako kay Kiefer and he smiled. Pagkatapos ay nagpaalam siyang babayaran lang ang mga napili namin. Magiging kasing swerte kaya ako ni Lola Martha na buong buhay niya ay kasa-kasama ang pinakamamahal niya? Na hanggang sa huling hininga niya ay nasa tabi niya si Lolo Frank?
Nagbihis na kami ni Kiefer at kagaya ng inaasahan ko ay nagmukha kaming nakasuot ng couple shirt. Hindi maiwasan na mapatingin ang mga tao. Siguro natutuwa sila sa itsura namin dahil terno talaga ang suot namin ngayon. Maari rin naman na supporters namin sila sa UAAP, sikat rin kasi si Kiefer , MVP ba naman this season.Tsk. Napansin ko naman na dumistansya siya habang naglalakad kami. Ano kayang problema nito?
"Kief, bakit ang layo mo? Ikinahihiya mo ba na ako ang kasama mo?" tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at napalunok. Wala namang masama sa mga sinabi ko ha?
"Hindi ganon Mika, akala ko kasi naiilang ka na magkasabay tayong maglakad." he reasoned. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. Bakit naman ako maiilang? It does'nt matter what other people may say or think. Ang mahalaga ay alam naming dalawa ang estado namin at masaya kaming magkasama.