II

2.6K 38 0
                                    

Kiefer's POV

Alam ko na may problema si Mika, pero ayaw ko naman siya pangunahan. Sasabihin niya rin sa akin ang lahat , when she's ready.Andito kami ngayon sa hospital, alam ko naman talaga ang totong kalagayan niya narinig ko ang usapan ni Tita Bhaby at ni Dr. Alvarez. But according to Tita Gina possibility lang naman iyon, there's no need to worry, ang mahalaga ngayon ay maging successful ang operation ni Mika and her fast recovery.

" Babe' pagtawag sa akin ni Mika. "Paano kung hindi tayo ma-bless ng anak?" tanong sa akin ni Mika. Kinabahan ako bigla, hindi ko alam kung handa na ba ako para pag usapan namin ang kalagayan niya.

"I mean di ba may mga couples na walang anak paano kung mangyari sa atin yun once were married?" pagpapatuloy ni Mika sa mga tanong niya.I was lost, nalilito ako , mahal na mahal ko si Mika pero..

"Babe, kung mangyari man sa atin yun, siguro malulungkot ako but if its God's will tatanggapin ko and sobra sobrang blessing na that I have you in my life. Ikaw lang sapat na, saka okay lang yun e di ikaw na lang ang baby ko." sagot ko kay Mika.Agad ko rin siyang nilapitan at niyakap.

"I love you, Babe."

"I love you too, Babe. Dapat pala lagi kang kumakain ng seafood noodles, iba ang epekto eh." napangiti na lamang ako.Naglalambing ang babe ko sa akin.Hindi ko alam ang mangyayari sa amin sa future, but right now, isa lang ang sigurado ako. Si Mika, mahal na mahal ko siya at kahit ano pang dumating na problema basta I'm with her, kakayanin ko.

---------------

Katatapos lang ng training namin ngayon. Bukas operation na ni Mika kaya nagpaalam na ako kay Coach Tim na absent muna sa training tomorrow, mabuti na lang at naiintindihan nila

"O mag tol, dinner tayo mamaya ha,sagot ko" anyaya ni Kuya Marc.

"Aba galante ha, nanalo k aba sa lotto? hahaha" pang aasar sa kanya ni Kuya James.

"Parang ganun na nga, buntis kasi ulit si Misis."

"Ang lakas mo talaga, kaya Idol kita eh."

"Kief, sumama ka ha?" Marc

"Sorry kuya, operation kasi ni Mika bukas kaya pupunta na ako sa ospital mamaya, magbabantay na rin."

"Ay, oo nga pala, send our regards na lang and balitaan mo na lang kami after ng operation para makadalaw naman kami."

"Salamat Kuya, Pano una na po ako, enjoy sa dinner."

Pagkatapos ko mag shower, agad na rin akong umalis, masaya naman ako sa good news ni Kuya Marc. Hindi ko lang maiwasan isipin ang kalagayan ni Mika ngayon. Ang hirap dahil maaari hindi namin maranasan ang maging mga magulang.But I always told myself na huwag pangunahan ang mga bagay-bagay, ang mahalaga ngayon is Mika's welfare. Kailangan ko siya alagaan at suportahan sa lahat ng oras.

Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng gamit. Sa ospital kasi ako mag oovernight . Naabutan ko naman na naghihintay sa akin si Paul, ang bestfriend ko.

" Paul, napadalaw ka?"

"Wala naman, na-miss na kita eh hehe."

"Grabe naman, konti na lang talaga iisipin ko na Mahal mo ako eh."

"Loko, Uhm, I heard about Mika."bigla naman sumeryoso ang mukha niya.

"Yeah papunta na nga ako sa ospital eh, gusto mo bang sumama? Matutuwa yon pag nakita ka?"

"I want to, kaso yun step mother ko nasa ospital rin eh,siguro sa susunod na araw na lang, I just wanted to check you out kung okay ka lang."

"Okay lang naman ako, stepmother? Ibig sabihin magkasundo na kayo?"

"Well, alam ko naman na mahal ako nun eh, kahit hindi niya ako tunay na anak at kahit hindi niya man sabihin I know she cares for me. Saka sa gwapo kong ito, who would'nt be proud to be my mother di ba?"

"Pero, pare ikaw ba mahal mo rin siya? I mean mahal mo siya bilang tunay na nanay?"

"Oo naman, wala yan sa dugo, dito yan oh, sa puso." sagot sa akin ni Paul, habang nakaturo sa puso niya.

Tama si Paul, ang pinakamahalaga sa lahat ay kung anong nararamadam ng puso, At ang pagmamahal walang pinipili kahit ano pang estado mo sa buhay, talento, kakayanan, may pagkukulang ka man o may pagkakamali, basta't ang mahalaga ay tanggapin, unawain at sikaping gumawa ng tama para sa taong mahal mo.

Kung iisipin nga hindi ko akalain na ang isang tulad ni Mika Reyes ay darating sa buhay ko.

-------------

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon