" Anong balak mo gawin?" tanong sa akin ni Ara. Ang bestfriend ko na laging nandiyan para sa akin.
" Hindi ko alam, Hindi ko na alam ang gagawin Ara" tuluyan na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw kong nakikita ako ng mga taong mahalaga sa akin na ganito kahina.
" Pero Daks, Kailangan malaman ni Kiefer yan, may karapatan siyang malaman ang totoo." pagpupumilit ni Ara sa akin.
Alam ko naman ang dapat kong gawin hindi ko lang alam kung sa paanong paraan ko ipapaalam ang totoo kay Kiefer, sigurado akong masasaktan siya. Posible rin na iwan niya ako. Gulong-gulo ako ngayon.
Nabasag ang katahimikan sa loob ng hospital room ko nang may bigla kumatok.Umayos naman ako sa pagkakaupo at pinunas ang mga luha sa aking pisngi.
" Hey Babe. Hi Ara, what happened?" tanong sa akin ni Kiefer. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. Nginitian ko na lamang siya. Dali dali rin siya lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
" Hi din Kiefer, eto kasing girlfriend mo ang tigas ng ulo" pagsusumbong ni Ara. "Pinilit pa rin mag training kahit masama ang pakiramdam."
Napakunot noo naman si Kiefer. " Babe, di ba I told you na wag ng ipilit." Eto na nga ba ang sinasabi ko eh simpleng lagnat nag aalala na siya.
" Sorry, akala ko kasi-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na ako ni Ara.
" Tsk puro ka kasi akala. O siya iwan ko muna kayo, mag coffee lang ako sa baba. Guys, you want anything ibibili ko na rin kayo" Ngumiti na lang ako kay Ara. Alam ko naman gusto niyang ipagtapat ko na kay Kiefer ang lahat.
" Wala naman po, Ikaw Babe?" tanong ko kay Kiefer. Umiling naman ito.
" Okay, iwan ko na kayo lovebirds, don't forget i-lock ang pinto." Pabiro sabi ni Ara habang nakangisi.
" Loka-loka" pasalamat siya nanghihina pa ako kung hindi nakatikim siya ng spike galling sa akin.
Paglingon ko kay Kiefer aba at ngingisi-ngisi rin ang loko. "Anong tinatawa mo diyan"
"Wala, naisip ko lang ang bait talaga ni Ara. Pero teka bago magkalimutan I know naman Babe, How much you love volleyball pero sana always consider your health as your top priority." pakiusap sa kin ni Kiefer. Alam ko naman na pinipilit niya maging mahinahon kahit nakikita ko sa mga mata niya ang konting disappointment dahil na rin sa katigasan ng ulo ko.
" Sorry na Babe, I'll keep that in mind, ayaw ko rin naman nag-aalala kayo sa akin eh." sabi ko kay Kiefer at marahang hinalikan ang kanyang mga labi.
He sat beside me in my bed and hugged me tighter. Three years na rin kami together, last year was his debut in the PBA, luckily all his efforts was rewarded when he was named Rookie of the year. Sobrang proud at happy ako para sa kanya. Ako naman I'm still part of the Philippine Women's Volleyball Team and also a member of Generika together with Ara and alumnis of DLSU's Lady Spikers.
Alam kong may mali sa katawan ko.The last time I felt this pain was 5 years ago when I had my surgery to removed a large cyst on my left ovary. But yesterday...
FLASHBACK
"Okay girls,tapos na ang training." pahayag ni Coach Ramil.
"Yes coach" nagmamadali naman kami ni Ara na pumunta sa locker room para makapagshower kailangan kasi naming daanan ang store namin ngayon. May business kami ni Ara, right after graduation nagtry kami mag negosyo and thankful kami kasi maganda naman ang kita ng burger joint namin.
"Hay Daks, grabe nakakatuyo ng utak, namimiss ko na tuloy maging estudyante." pagmamaktol ni Ara.
" Sige Best, ikaw na ang matalino. Basta ako ayaw ko na,buti nga nasurvive ko ang thesis days natin eh." sabi ko kay Ara. Bipolar talaga, dati hirap na hirap gumising to attend her classes tapos ngayon gusto pang bumalik.