."Oo naman Babe, Im sure magagawan naman ng paraan ng wedding coordinator ang magiging preparations dito." sabi ko kay Mika, napangiti naman siya ng marinig ang sinabi ko.
"No Babe, hindi ako kukuha ng wedding coordinator. I did asked Ara and Dani at tinulungan nila ako sa lahat ng preparations." pahayag ni Mika. Nagulat naman ako ng tumayo siya at hinubad ang jacket na suot-suot niya.
Mika is wearing a simple white dress.Sa sobrang pag-aalala ko ay hindi ko napansin ang magandang pagkaka-ayos ng kanyang suot na wig at may suot din siyang make up na lalong nagpaganda sa kanyang maamong mukha. Napalingon naman ako sa bandang kanan ng burol ng may mga nagpalakpakan at naghiyawan. Paano?
"Akala ko ba after your treatment?" gulat kong tanong sa kanya. Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko at agad siyang niyakap.Iniharap niya naman ako sa kanya at..
"Ang dami kasing Chinese na may crush sayo, baka maunahan pa nila ako..." sabi ni Mika,tumawa pa siya ng malambing at kinurot ako sa ilong, hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, si Mika,ang laki ng ipinagbago niya. She looks radiant and lively parang wala siyang sakit na dinaramdam.
"Kasi nung magkalayo tayo sobra kitang na-miss. I love you Babe at gusto kong humarap sa Diyos at mangako na ikaw lang ang mamahalin ko sa habang buhay." dagdag na pahayag ni Mika, hinawakan niya naman ako sa magkabilang pisngi at hinalikan sa ilong.Napansin ko naman ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
"I love you too Babe, Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya dahil final—"
"Hey Broom! este Mr. Groom, magbihis na po tayo pwede ba? Papaiyakin mo na naman ang bride, ang make up!!!" pagputol ni Ara sa sasabihin ko.Natawa naman kami pareho ni Mika, ang sungit ng bridesmaid namin ngayong araw.
Kanina ko pa siya nakitang nakatayo malapit sa amin ni Mika at buong akala ko ay hihintayin niyang matapos ang moment naming dalawa. Tsk.
"Yes, Ms. Bridesmaid." sagot ko at yumuko pa. Napatawa naman si Mika sa ginawa ko at ngumisi na lang si Ara.
"Ate Miks, let's go na rin, ireretouch ka pa daw ng make up artist tapos yung belo mo isusuot pa natin." sabi naman ni Dani at hinila na si Mika papunta sa tent sa di kalayuan.
——
Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Masaya ako dahil matutupad na ang matagal kong pinapangarap pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. May munting tinig sa aking isipan na nagsasabi sa akin na ang lahat ng ito ay panandalian lamang.
Napakaganda ng pagkakaayaos ng paligid. Nakaset up ang isang maliit na altar sa gilid ng burol. Habang nagsilbing lilim naman ang malalaking puno sa paligid. Pinuno rin ng mga kulay pink na petals ang aisle at may mga palamuting sunflower at windmills pa sa gilid, simple ngunit maganda.
Natapos ng ayusan si Mika,nakapila na rin ang lahat ng abay at naghihintay na lamang ng hudyat ng pagsisimula.Dahan-dahang tumayo si Mika mula sa kanyang wheelchair, inalalayan naman siya ni Daddy Manuel. Nakita kong sumulyap siya mula sa kinatatayuan ko kaya naman kumaway ako sa kanya.
Narinig ko ng tumugtog si Ate Claire ng piyano.Si Kuya Perry naman ang kumanta para sa amin.
Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarapngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ayfthg
ng puso
Nagsimula ng maglakad ang entourage.