Chapter 13

11 6 57
                                    

Ilang linggo ang lumipas, oo busy, lalo na't nagsimula na ako sa shoots pero kaya ko naman, nagawa ko every pt, assignments, quizzes, and even our research.

My procrastinating skills are slowly fading, nuks that's an achievement na for me.

Today will be...ewan basta research lang gagawin namin buong araw.

Gusto kasi ng research teacher namin na bago mag year end party ay makapag pass kami ng papers, at iperform ang experiments namin.

"December 1 babagsak ako agad putangina"

Rinig kong bungad na reklamo ni Jah ngayong umaga, halatang stress na sa magiging display board nila.

Ganun din naman ako, inaayos ko ngayon ang display board namin, kailangan daw kase para sa teachers na makakasama namin maya-maya.

"Ako rin, tanginang mga kasama to puro landi lang inaatupag, ulol kaka16 or di pa nga kayo nagsisixteen eh!" inis na sabi ni Rae habang masamang nakatingin sa kagrupo nyang may katawagan sa phone ngayon.

"Umay nga, walang inambag pero masasama sa credits, lugi" pag sang-ayon ni Jah

"Yieee, 16 na daw kasi si Kuya Rae" pabirong sabi ko habang gumugupit gupit ng papel.

"Then don't put their names na tumulong" sabi ni Vhen, inaantay nalang yung last copy ng papers nila, tumango naman ako para sumang-ayon at tumingin kay Rae at Jah.

"Hindi madali, magrereklamo yang mga bobong yan" nagulat nalang ako nang biglang nagsalita si Rad sa may likod ko, napunit ko tuloy yung ginawa kong design para sa display board namin.

Lumingon ako sa kanya at hinampas ng mahina sa braso dahil sa gulat ko, "Tangina mo aatakihin ako sayo eh!".

Nagsimula na ang pagpresent ng lahat, grabe ang strict naman ng mga teachers na to.

Kung ako ang titingin, okay naman ang gawa nila eh, pero nakakaya talaga ng mga teachers namin na baliktarin yung paniniwala namin sa product or sa data ng research namin.

May choice kami tungkol sa research na gagawin namin, it's either a qualitative research or quantitative, I'm not good at math so I preferred to do a qualitative.

Pero dahil isang malaking kaputanginahan ang buhay ko, binigyan ako ng solo research, di naman mahirap pero yun yung experiment na ipeperform ko mamaya kasama ng iba.

"Do you really think that high expectations are the main reason, why mostly teenagers now are experiencing depression and commiting suicide?"

Ha? Ano daw? Haha putangina ma'am wait.

"Base on our presentation ma'am, we didn't say anything about the main reason, yes mostly teenagers are commiting suicide and experiencing depression because of high expectations, but we all have our own experience, we can't say that it is always the reason, instead we can say that we have different situations...Some can be a loved-one's death, can also be atrauma, abuse or even having a hard time to live life."

Hindi ako sigurado sa sagot ko pero wala akong pwede asahan, hindi ako pwede umasa sa mga kasama ko dahil alam kong hindi rin nila masasagot yan ng tama.

Tumango lamang sila at nagbulungan, magandang response ba yun o hindi? Ma'am bakit kasi tango lang! Pinagoover-think mo ko ma'am eh!

Marami pa silang itinanong pero hindi ganun ka komplikado at kaya na naman na naming sagutin.

Maya-maya pa ay natapos na ang lahat mag present kaya't pinaglunch na muna kami at pinagaan ang loob namin para hindi kabahan sa experiment this afternoon.

Under The Spotlight, We Lit Up (The Day we we're Destined Series #1)Where stories live. Discover now