"May nangialam talaga ng gitara ko kahapon, I swear! Tuned na yun" pagdaldal ko.
Vacant namin this morning para sa 3rd subject kaya dumadaldal lang ako nakikipag chismisan, nagiisip na rin ako ng igaganti kay Dyn.
"Si Dyn ata" sabi ni Rhia habang may malalim na iniisip, "Oo! Si Dyn nga" dagdag pa nya kaya mas lalo akong natawa at nagisip ng pang ganti.
"Pano? Nakita mo ba?"
"Oo, kahapon"
Nag uusap lang sila habang nagiisip ako. Katamad mag isip, saksakin ko nalang kaya.
Nakwento sakin ni Alli na nagsi-swimming si Dyn sa school pool kaya kahit simpleng prank lang okay na.
Magiging busy na ako sa mga darating na araw, palapit na ang year end party namin at ang 3rd quarter exam.
Pagtapos ng prank na to sana di na rin sya gumanti kase napapagod na ako kakaganti sa kanya.
Uwian na, dahan-dahan akong pumasok sa loob ng pool ng school at nakita ko si Dyn na lumalangoy.
Ang plano ko lang naman ay palipatan nung may ink na towel yung gagamitin nya para magmuka syang pusit, at aalis na ako.
"Sino ka?"
Nanlaki ang mga mata ko na marinig ang boses nya sa likuran ko, mukang aahon na sya galing sa pool.
Lumingon ako at naiilang dahil wala syang damit pangitaas kaya hindi mapakali ang mata ko.
"Gago, anong ginagawa mo dito!"
Gulat na sigaw nya nang makita ako, tinatabunan pa ang katawan nyang walang damit
Iw asa naman to na maninilip ako
"A-ano...uhm.."
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nakayuko lang akong habang nag iisip ng palusot
"Ell, di ko naman alam na crush na crush mo ko to the point na mamboboso ka"
Pang aasar nya, at nung tumingala ako para sana magreact sa sinabi nya, na hindi naman totoo!
Sa pag angat ko ng tingin ay di ko naiwasang mapatingin sa katawan nya, yung dibdib at mga braso nya...Ulol
"H-hoy! Fyi hindi ako mamboboso!" sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanya, nauutal pa.
"Eh ano pala yang ginagawa mo? Mag isa lang naman ako dito"
"Ah basta!"
Sigaw ko bago tumalikod at nagtago banda sa likod ng lockers habang nagaantay ng reaksyon nya, mabuti nalang ay napalitan ko rin kaagad iyung towel na gagamitin nya.
Naiinip na ako kaya pabalik balik akong naglalakad sa iisang pwesto lang, maya-maya pa ay narinig ng lahat ang napakalakas na sigaw nya.
"Ericka...!"
Mahabang sigaw nya kaya napatakbo nalang ako palabas na, maaga pa naman kaya makakaabot pa ako sa shoot na sabi ni kuya mamayang gabi.
"Okay, perfect Ell thank you!"
Ngumiti na lamang ako bilang tugon doon sa photographer at sumulyap ako sa ibang staff.
Nakita kong kausap ni Tita Sheila yung lalaking kasama namin sa meeting nakaraan lang, pero hindi na ako nakiesyoso pa.
Umupo nalang ako sa tabi at naghihintay na pauwiin na.
"Ell you're on progress, keep it up! Let's go?" nakangiting sabi ni Tita Sheila kaya sumunod na ako sa kanya at umuwi na.
YOU ARE READING
Under The Spotlight, We Lit Up (The Day we we're Destined Series #1)
RomantiekThey may be the typical characters who started from hatred and ended up together, but the bond and journey of them waiting for the right time is unique. The time they even realize that it's them, in the past, present, or the future. Ericka Phrelly C...