Nine: Laters, baby.

800 14 2
                                    

Nagpalit nga ng DP, 'di naman nag-delete ng mga pics noong ex niyang salawahan. Hmp!

"Okay ka lang, friend?"

Napabaling ako kay Janine. Nakalimutan kong nandoon pala ang bruha, nakaupo sa harapan ko at malamang ay kanina pa ako tinititigan --- ng masama. Nasa cafeteria kami, nakiki-WiFi at lumalaklak ng softdrinks.

"Wala," ang sabi ko sabay "back" ng "back" sa phone ko. Mahirap na baka makiusyuso pa ang bruha, mabisto pang nasa stalking mode ako. 

"Eh, bakit nakakunot-noo ka?" anito, ayaw talaga akong tantanan.

"Nakakunot ba? 'Di naman?" ang patay-mali kong wika habang patuloy sa kakapindot sa phone ko. Back. Back.

"Kamusta na nga pala kayo noong si Mr. Suicidal?" ang walang paliguy-ligoy nitong tanong pagkuwan. Iyon. Doon naman talaga papunta ang usapang ito. 

"Anong kamusta "kami"? Ba't may "kami"?" echos ko. 

"Kayo. 'Yong friendship niyo, kamusta?"

"Friendship talaga? Ni hindi ko nga kilala 'yong tao sa personal, friends agad?" echos ko ulit. 

"Okay, rephrase natin. Just to set the record straight. Kamusta 'yong human-diaryship niyo? Ayan, ha? Malinaw na 'yan. Baka masamain mo na naman." Ayaw magpaawat ang bruha. 

"Ewan ko doon, jusko. Sa dami ba naman ng problema ko sa buhay, puproblemahin ko pa ba ang lovelife ng ibang tao? Bahala siya sa buhay niya, noh! May pa move on move on pang nalalaman, ni hindi naman makuhang i-delete 'yong mga pics noong ex niyang salawaha ---" Ooppps. "Don't get me wrong, okay? I really don't care if... Oh, c'mon! Stop giving me that look!"

"What look?" At tuluyan na itong bumulanghit ng tawa. Kontrabida mode na naman ang bruha.  "Ikaw naman, defensive ka naman masyadow! Affected much?" anito bago sumipsip mula sa straw ng softdrink bottle nito.

I rolled my eyes and tried to act disgusted. "Yuck! Why should I?"

"So tell me, nagchichika pa din kayo?" push pa ng bruha.

"Minsan. Pero super minsan lang. Saka most of the time siya lang naman nagmo-monologue mag-isa. Busog kaya sa seenzone 'yon mula sa akin."

"So 'di pa kayo close?"

"Of course, not!"

"Ako pa din best friend mo?"

"Oo naman, no! What makes you think na ipagpapalit kita sa suicidal na 'yon? Argh." I rolled my eyes again.

"Sinisiguro ko lang. Kasi alam mo na..." ang makahulugan nitong wika.

Sasagot pa sana ako nang mag-ring ang bell. Dali-dali nitong inubos ang laman ng softdrink nito. Hay, salamat at matatapos na din "cross examination" ko. Aalis na si "attorney".

"I gotta run, besh! See you around." She gave me peck in the cheek.

I hugged her back. "'Kay. See you later."

And then I watched her hurriedly left the cafeteria. Saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Ganoon talaga. Real friends are a pain in the ass. That's what friends are really for, isn't it? That's why life could be as boring as hell without them.

I went back to Facebook-ing. Sakto namang may nag-message. At sheyt, dumoble naman agad ang pintig nitong maharot kung puso nang malaman kong si Hans ang nag-chat.

Hi. Kamusta?

Atat naman akong nag-reply. Ewan ko ba. 

Eto. Tambay mode sa may cafeteria.

My Virtual Boyfriend (ON-HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon